^

Punto Mo

‘Alzheimer’s Love’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

PANO kung dumating ang araw na hindi ka na niya makilala at ang lahat ng ginawa niya para sa ‘yo at ginawa mo para sa kanya ay hindi niya na maalala?

“Matanda na ako. Yung pensyon ko gagasino lang. Naisip ko na panahon na para ako naman ang makakuha at makinabang,” sabi ni Elpidia.

Pitong taong gulang  pa lamang daw ang bunso nina Elpidia David at ang asawa nitong si Simeon David nang maghiwalay sila.

Kwento ni Elpidia taong 1954 nang ikasal sila ni Simeon sa Tondo Catholic Church. Kwarenta’y tres anyos na ngayon ang kanyang bunso at may mga pamilya na ang kanilang limang anak.

“May pangalawa siyang kinasama. May pensiyon pa nga yan sa Veterans at pinirmahan ko dahil pangako niya hati kami,” ayon kay Elpidia.

Sa ngayon daw ay may Alzheimer’s disease ang kanyang mister at ang kumukuha ng pensiyon nito sa Social Security System (SSS) ay ang pangalawa nitong kinakasama.

“Hindi na kami nakikilala ng mister ko. Pati mga anak niya hindi niya na kilala. Siya ang nakikinabang pero ako ang legal na asawa,” pahayag ni Elpidia.

May pensiyon siyang sarili pero kakaunti lang naman ang natatanggap. Baka daw duma-ting ang panahon na lahat ng pag-aari ng mister niya ay ang pangalawang kinakasama nito ang makinabang.

“Pwede ko bang ipatigil ang pagkuha ng pensiyon nung babae?” tanong ni Elpidia.

Upang masagot ang katanungan ni Elpidia, nakipag-ugnayan kami sa SSS Main Office, sa Media Affairs at nakausap namin si Ms. Lilibeth Suralvo. Ayon sa kanya baka daw nakadeklarang ‘guardian’ ang pangalawang kinakasama ni Simeon kaya siya ang nakakakuha ng pensiyon nito.

Kung sakaling may mangyari naman kay Simeon ay hindi naman daw makukuha ng pa-ngalawa nitong kinakasama ang pensyon dahil may legal itong asawa.

Mapupunta sa nakasulat na benepisyaryo nito ang pensyon at sa legal na asawa kung wala itong naging karelasyon o hindi ito nagkaroon ng bagong asawa.

Sandamakmak ang problema ng SSS at ang daming nagrereklamo. Ang tataas ng sweldo niyo siguro dapat makialam na d’yan si Presidente Rody Duterte. Ayaw mong makakita ng pila Presidente Digong? Gusto mong uminit ang ulo mo pumunta ka sa SSS.

Mga tao dun natututulog alas singko pa lang ng umaga galing sa malalayong lugar pero pagdating ng oras nila hindi sila naaasikaso at itinuturo kung saan-saan.

Sila ang dapat mong kaawaan, sila ang dapat mong tulungan. Pagsisipain mo kaya ang mga hepe d’yan at maglagay ka ng sariling tao mo para umusad ang SSS tulad ng administrasyon ninyo.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

PHOTO ALBUMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with