Si Tuliao na ang may mando sa weekly payola ng City Hall!
FLASH Report: Nag-iiyakan ang mga operators ng peryahan sa Quezon at Laguna bunga sa abo’t langit ng weekly payola na hinihingi sa kanila ni SPO1 Antolin “Jhong” Valero. Para sa kaalaman ni PNP chief Dir. Gen. Bato de la Rosa, nabili ni Valero ang weekly payola nina Sr. Supt. Antonio Yarra, at Sr. Supt. Joel Pernito, ang provincial director ng Quezon at Laguna, respectively. Kaya para makapagkamal ng malaking pitsa, ang ginawa ni Valero ay siningil ng tig-P100,000 grease money ang bawa’t peryahan sa Laguna at Quezon, kaya’t hindi lang luha kundi maging uhog ang tumutulo sa pisngi ng mga peryante sa ngayon. Itong Doberman na si Valero ay isang ebidensiya lang kung bakit wala namang sumusunod sa magandang ehemplo ni Gen. Bato na hindi tumatanggap ng pitsa sa mga gambling lords.
* * *
Si Supt. Jackson Tuliao na ang may karapatan sa weekly payola sa MASA sa City Hall detachment ni Manila Mayor Erap Estrada. Natigbak itong sina Gen. Bob, SPO2 Joel Aquino at sibilyan na si Domeng Alagde. Si Gen. Bob ay suwelduhan na lang, si Aquino ay natigbak at bantay salakay---este bantay na lang ng gate, samantalang si Alagde ay nilipad ng hangin at hindi malaman kung saan dadapo. Kaya sa ngayon, ang mga bataan ni Tuliao ay abalang-abala sa pagpapakilala sa mga players sa Maynila para sabihing sila na at wala nang iba ang may karapatan tulad nina Gen. Bob, Aquino at Alagde. Kaya’t kung kaliwa’t kanan ang raid na isinasagawa ng mga bataan ni Tuliao sa ngayon, Oplan Pagpapakilala lang ‘yan dahil mukhang hindi nai-turnover ni Aquino ang listahan ng pinagkukunan n’ya. Boom Panes! Hehehe! Weder-weder lang ‘yan!
Ang mga pulis na dating naka-assign sa MASA ay na-wipe out at nandun na sila na-transfer sa Stations 8, 9, at 10. Siyempre, ang dala ni Tuliao ay lahat galing sa Station 3, kung saan dati s’yang hepe bago malipat sa City Hall. Ang bagman ni Tuliao ay itong si Raffy Padua, ayon sa mga kosa ko sa Maynila. Si Aquino ay nais malipat sa D4 subalit nahuli s’ya ni Tuliao na lumalakad ng transfer sa D1 kaya’t hayun…inabot siya ng delubyo. Nais takasan ni Aquino si Tuliao subalit kinapos at palagi na s’yang makikita sa pintuan ng City Hall detachment. ‘Ika nga, palaging nakikita ni Tuliao si Aquino at natuldukan ang kabuwenasan n’ya sa buhay. Punyeta! Ganyan lang talaga ang buhay! Sometime ur up, sometime ur down, di ba mga kosa?
Mula sa pagiging station commander ay tinanggap ni Tuliao ang maging City Hall detachment commander kung saan madami ang nagtaas ang kilay dahil para sa mga kosa ko, demotion ito. Subalit, sa pagbigay ng karapatan kay Tuliao sa weekly payola, medyo bawi na ito kung ang grasya ang pag-uusapan, di ba Mr. Jaime Dichavez Sir? Kung ang weekly payola ng MASA ay aabot sa P350,000, maari pang i-angat ito ni Tuliao dahil s’ya na ang may mando sa City Hall. Pero ang tanong? Hindi ba over-qualified itong si Tuliao para maging hepe ng MASA sa ranggo ‘nya? Ano sa tingin mo PNP chief Dir. Gen. Bato de la Rosa? Hehehe! Di ba pitsa-pitsa din itong lakad ni Supt. Tuliao?
Habang hindi pa nakalatag ang mga vendors sa Divisoria at iba pang lugar sa Maynila, me tulog itong pangarap ni Tuliao na i-angat at weekly payola ng opisina n’ya. Wala pang linaw kung ano ang kahinanatnan nitong mga vendors ng Divisoria, Blumentritt at iba pa dahil tahimik sa ngayon ang mga tinatawag ng mga vendors na ganid sa pitsa na sina Che Borromeo at Dennis Alcoriza. Mukhang na-postpone ang pang-apat na miting na ipinatawag nina Borromeo at Alcoriza kaya’t konting panahon pa at magkakalinaw din itong problemang hinaharap ng mga vendors ng Divisoria at iba pa, di ba mga kosa? Abangan!
- Latest