^

Punto Mo

‘Impatso sa DOTC’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MABAGAL na, mababa pa mag-release ng pondo. ‘Yan ang DOTC ni dating Sec. Joseph Abaya.

 Nakalkal ng COA, 48% o P33.448 bilyong pondo ng ahensya noong nakaraang taon, hindi ginamit. Nakatengga lang.  

 Ang bibilis humingi ng bilyon-bilyong alokasyon pero pagdating sa implementasyon kilos-suso.  Saka sila magdadahilan ngayon kung kailan nabuking na sila ng Commission on Audit.

 Sinisisi ng mga dating DOTC officials, mga isyu at problema sa loob mismo ng kanilang tanggapan.   

 Mabagal daw ang mga engineering design. Delay ang mga bidding at pag-a-award ng mga kontrata dahil naghihintay pa sila sa timbre ng funding agencies. At naghihintay pa ng mga available nilang technical personnel.

 Giit naman ng COA, dapat noong planning stage pa lang, naresolba na agad ang ganitong mga problema.

 Sa administrasyon ngayon ni Pres. Rody Duterte, hindi na ubra ang impatso sa pondo.   Wala nang isyu ng underspending at slowspending na matagal umiral sa nakaraang administrasyon.   

 Ito ang kagandahan kapag mayroong Freedom of Information Law. Hindi pa man nairi-release, nalalaman, naaamoy at nakikita na agad ng taumbayan ang bawat pondo.  

 Anong mga imprastruktura, magkano ang nakalaan at kailan matatapos ang mga proyekto, aktibidad at programa ng gobyerno.  

 Hindi ‘yung nangangapa ang mga tao sa dilim.  ‘Yan ang gusto ng mga dating nakaupo. Sinasadya nilang bulag ang tao sa mga transaksyon para makakawat.

• • • • • •

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

 

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with