^

Punto Mo

‘Kapalmuks n’yo P-Noy, Abaya!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

IKAW nga naman ang maging kaibigan at sanggang-dikit ni outgoing Pres. BS Aquino.

 Ikaw na ang pumalpak at nagpabaya ng maraming beses, ikaw pa rin ang bida.  Talagang ipaglalaban ng patayan sa lahat ng mga mambabatikos at pupuna.

 Tulad ni DOTC Sec. Joseph Abaya na ‘KKK’ at ‘untouchable.’ Mismong mga “boss” na ang nananawagang mag-resign pero kapalmuks pa rin at kapit-tuko sa puwesto.

 Papaano ba naman kasi, ang kanyang patron na nag-appoint sa kanya sa posisyon kunsintidor. Sa halip sampolan at disiplinahin, ipinagtatanggol pa.

 Ang bukadera ni P-Noy, nananatili at buo pa rin ang kanyang tiwala at kumpiyansa kay Abaya. ‘Ala siyang pakialam kung ang mga tao kalbaryo na ang buhay sa pupugak-pugak nang mala-sardinas na MRT.  

 Nitong nakaraang araw, muli na namang pumutak ang mama sa Palasyo. Hindi nakatiis, bumula na naman ang bibig sa harap ng kamera at mikropono.     

 Huwag daw sisihin si Abaya sa mga problema sa DOTC. Hindi rin daw kurakot at tiwali ang kaniyang co-terminus na Gabinete.

 In fairness naman daw kay Abaya marami siyang training na lapit sa pangangasiwa at pamamahala sa transportasyon at naging chairman pa ng Appropriations Committee sa Kongreso.  

 Dito lalo pang makikita ang pagiging insensitibo, manhid, walang pakialam, at pagiging matigas ang ulo ng nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagang pangulo.

 O baka naman isisisi niya na naman ito sa nakaraang administrasyon ni Pangulong Gloria Arroyo.

 Mr. President, kung hindi si Abaya ang dapat panagutin sa mga kapalpakan at kapabayaan sa DOTC, e sino?

 Sa loob ng anim na taon mong termino, hindi nasolusyunan ang problema sa mass transit,kakulangan sa mga imprastruktura tulad ng mga daan, airport, seaport at iba pa.

 E, kumusta naman ang mga negosyanteng tumakbo sa korte na nawalan ng tiwala at integridad sa mga bidding process ng milyones na proyekto dahil sa umiiral na kurapsyon sa loob ng DOTC? Tsk…tsk!

 Umalis ka na nga dyan sa Malacañang!

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang palabas, mag-subscribe sa BITAG Official YouTube account. 

 

JOSE MA. SISON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with