^

Punto Mo

Insulto sa partido ni Duterte

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

LUMULUTANG ngayon na ang susunod na Senate President ay si Senator Allan Peter Cayetano batay sa kanyang kuwento na may 15 senador daw ang nangakong susuporta sa kanya.

Pero sa bersiyon naman ni Sen. Tito Sotto ay may 18 senador ang nasa kanyang panig na sapat na bilang upang magluklok ng bagong pinuno ng Senado.

Sa pagpasok ng bagong administration ay maituturing na ruling party o administration party ay ang PDP-Laban na partido ni incoming President Rody Duterte.

Maituturing na isang malaking insulto kung ang maluluklom na Senate President ay hindi mismo nagmumula sa partido ni Duterte.

Si Cayetano ay mula sa Nacionalista Party at tumakbo sa nakaraang eleksyon bulang independent.

Ang Nacionalista Party ay maituturing na walang kuwentang partido dahil may sapat naman kandidato ay walang isinabak sa eleksiyon at ang pinakamatindi ay tatlong miyembro nila na sina Senators Bongbong Marcos, Antonio Trillanes at Cayetano ay pawang miyembro pero sa halip na ayusin ng partido ang tatakbuhang posisyon ay nagkawatak-watak ang mga ito.

Sa katunayan, direktang binira pa ni Cayetano si Marcos na hindi mangyayari kung namagitan ang partido at bumuo ng slate o isasabak na kandidato sa eleksiyon.

Tila pag-aari lang ng isang tao ang Nacionalista Party na kung hindi ito kakandidato bilang presidente ay walang ilalaban sa eleksiyon.

Marapat lamang na ang pangulo ng PDP-Laban na si Sen. Koko Pimentel ang susunod na Senate President.

Kung tutuusin, ang PDP -Laban ang partido  ni Duterte na tatayong administration party at isang malaking insulto kung hindi si Pimentel ang maluklok bilang Senate President.

CHIEF JUSTICE MA. LOURDES SERENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with