Mga gurong nagsilbi sa halalan, huwag kalimutan??
IPINROKLAMA noong Lunes ang nagwaging Presidente at Bise Presidente ng bansa sa nagdaang pambansang halalan noong Mayo 9.?
Ito ang pinakamabilis na proklamasyon sa kasaysayan ng pulitika sa bansa. Tanda ito na naging maayos at mapayapa ang nagdaang halalan.?
Gayunman sa kabila nito, marahil ay dapat ayusin naman ng gobyerno na mabayaran ang mga guro na nagsilbing Board of Election Inspectors (BEIs) at iba pang gumanap ng tungkulin noong halalan.?
Marami kasi ang umaangal halos tatlong linggo nang naisasagawa ang halalan ay hindi pa rin naibibigay sa mga nagsilbing guro ang kanilang mga honorarium o allowance.?
Base sa itinakda ng batas dapat na mabayaran sa loob ng 15 araw matapos ang eleksyon ang mga gurong nagsitupad ng kanilang tungkulin.?
Malaki ang naging papel ng mga guro sa eleksyon na nakita naman na naging maayos. Kung may bumangon na mga problema ay hindi naman naging malala kumpara sa mga nagdaang halalan.?
Dapat pa ngang mabigyan pa ng kaukulang pagkilala ang mga gurong ito sa pagtupad nila sa tungkulin.?Dapat din naibigay sa kanila ang kanilang pinagpaguran at karampatang allowance.?
Hindi nga lang malaman kung saan nagkaroon ng problema at tila hindi naging maayos ang inilaang pondo dahil hanggang ngayon nga ay marami pa rin ang hindi nakakakuha sa bayad sa kanila.?
Naging matagumpay ang halalan kailangan naman na lahat ng nagsitupad ng kanilang tungkulin ay mabigyan naman ng kaukulang pansin.?Hindi sila dapat limutin.
- Latest