^

Punto Mo

‘Pangulong naka-freezer’

- Tony Calvento - Pang-masa

ANG isang naging Presidente  ng ating bayan ng mahigit dalawang dekada dapat bang ilibing sa Libingan ng mga Ba-yani?

Dalawampu’t pitong taon na ang nakakalipas pero ang kanyang labi ay pinagtatalunan pa rin kung saan mahihimlay.

Diktador, malaki ang kasalanan sa mga Pilipino at hindi dapat ilagay sa Libingan ng mga Bayani. Ito ang madalas nating marinig kapag ang pinag-uusapan ay si dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos Sr.

Sa rami ng naging biktima, nawala, pinahirapan nung panahon ng Martial Law hindi mo maiiwasan na magalit ang ilan kung sa Libingan ng mga Bayani ito ilalagay dahil paniniwala nila hindi ito bayani ng bansa.

Ilang Presidente na ang nagdaan mula nang siya’y mamatay pero ni isa sa kanila hindi ipinalibing si dating Pangulong Marcos Sr.

Ngayong si presumptive President Rodrigo Duterte na ang uupo sa pwesto sinabi niyang pinapayagan niyang mailibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos. Sr.

Para kay Jose Maria Sison wala raw itong kaso pero sa Campaign Against the Return of Marcoses to Malacañang (Carmma) ang Libingan ng mga Bayani ay nakareserba sa mga beterano, sundalo at dating naging Pangulo ng bansa.

Kapag nangyari ito mahuhugasan ang kanyang ginawang krimen sa mga Pilipino sa dalawang dekada niyang pagiging diktador.

Kailangan daw irekonsidera ni Duterte ang tungkol sa pagpapalibing kay dating Pangulong Marcos Sr. Sa Libingan ng mga Bayani ayon kay Carmma convener Bonifacio Ilagan.

Hindi nila itinuturing na bayani si Marcos Sr. at magdadala lamang ito ng maling mensahe sa buong mundo.

Sa parte naman ng uupong Pangulo na si Duterte, kaya niya pinapayagang mailibing dito si Marcos Sr. hindi dahil siya’y bayani kundi siyang naging Pilipinong sundalo.

Nagsilbing sundalo na nagkaroon ng maraming medalya kabilang daw ang pagbansag sa kanya bilang ‘star of the Battle of Bessang Pass’ kung saan muntik nang sumuko si General Yamashita.

May mga kumukwestiyon naman na wala daw siya sa Bessang Pass nung mga panahong yun.

Binansagan niya ang kanysang sarili bilang ‘the most decorated war hero in the Philippines’ dahil sa dami ng medalyang umano’y natanggap na maaaring ibigay sa isang sundalo.

Kalaunan nagsalita ang mga kritiko na ang kanyang mga medalya ay peke umano. Marami ding ‘documentary’ na hindi umaayon sa mga sinabi ni dating Pangulong Marcos.

Iba-iba ang naging reaksyon ng ating mga kababayan tungkol dito. May ilang sumang-ayon may ilan namang tumuligsa.

Wala naman talagang kaso kung ililibing ba ang dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga bayani. Naging sundalo siya at Presidente ng ating bansa.

Hindi naman mahalaga kung saan siya nakahimlay. Ang mahalaga ay mulat tayo sa tunay na nangyari sa ating kasaysayan.

Kung ano ang mga ginawa niya sa bansa at sa ating kapwa nung panahon ng kanyang panunungkulan. Ang ating kasaysayan ang hindi natin dapat baguhin at dapat patuloy na maisalin ang katotohanan sa susunod na henerasyon.

Naging Pangulo siya ng Pilipinas, hayaan natin ang kasaysayan ang humusga sa kanya.

PARA SA ANUMANG REAKSYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

ECOWASTE COALITION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with