^

Punto Mo

Seryosohin ng presidential bets ang West Philippine Sea

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

HINDI dapat balewalain ng presidential candidates ang isyu ng West Philippine Sea na inaangkin ng China.

Tila minamaliit ng mga kandidato ang isyung ito samantalang ito ay may malaking kinalaman sa kabuhayan at soberenyan ng Pilipinas.

Kaya naman maging si international law expert Atty. Harry Roque ay nakukulangan sa paninindigan ng mga kandidato sa pagkapresidente sa isyu ng West Philippine Sea.
Ayon kay Roque, walang komprehensibo at pangmatagalang solusyon na iniaalok ang mga kandidato. 

Kilalang abogado ng mga mahihirap at naaaping Pilipino si Atty. Roque lalo na pag may dayuhan na kasama o kalaban sa kaso na kanyang ipinagtatanggol. 

Si Roque ay pinuno rin ng Kabayan Party List na ang layunin ay pursigihin ang mga karapatang pangkalusugan, pamamahay at pamumuhay ng mga mahihirap na mamamayan.

Para kay Roque, kahit manalo pa tayo sa inihain nating arbitration case, hindi rito matatapos ang problema dahil ang maaring masolusyunan lamang ng international tribunal ay ang aspeto ng maritime dispute, pero hindi ang agawan sa isla.
Nakababahala umano ang problema dahil tila hindi naglaan ng sapat na panahon ang mga kandidato para pag-aralan ang isyu gayong ito ang kaisa-isang maituturing na pinakamahalagang isyu ng bansa.

* * *

Nagiging maganda rin ang labanan sa pagka-senador dahil may pumasok din na mga bagong mukha sa pulitika.

 Isa sa inaasahang makakalusot ay si dating TESDA Director General Joel Villanueva na ngayon ay suportado ng mga natulungang makapagtapos ng maikling kurso na nagagamit sa matinong trabaho.

Sana naman, marami pang baguhan ang makalusot na kandidatong senador tulad ni Leyte Rep. Martin Romualdez na angangalaga naman sa kapakanan ng mga may kapansanan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with