^

Punto Mo

Interbyu

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NOONG isang araw nakatanggap ako ng imbitasyon na mainterbyu ng staff ng isang sikat na programa pantelebisyon tungkol sa Feng shui at mga pampasuwerte ayon sa paniwalang Tsino. Nagbabasa pala sila ng aking kolum na nasa diyaryo rin ito, ang  Sinusuwerte ka. Iyon ang dahilan kung bakit nila ako natunton.

Siyempre, tuwang-tuwa naman ako, at may tsansa nang ma-expose sa telebisyon ang aking gandang hindi inakala. Pero ilang seconds lang ang tuwang iyon. Bigla kong naisip na namamalat ako dahil dinadalahit ako nang ubo. Kaya agad-agad akong sumagot na hindi ako puwede dahil namamalat ako.

Minsan na akong nag-guest sa isang radio program noong mga nakaraang taon para interbyuhin tungkol sa Feng shui at numerology. Simula nang makaranas akong mag-radyo, nag-iilusyon na akong mai-guest sa TV. At natupad naman, pero napurnada rin kaagad.

Ibinalita ko sa aking mga anak at kapatid ang guesting na hindi natuloy. Sa kanilang opinyon, blessing in disguise ang pamamalat ko. Mas mainam na hindi natuloy ang interbyu. Kung natuloy, malamang na hindi lang sa TV ipapalabas ang interbyu sa akin, pati na rin sa social media. At ito ang parteng delikado ako sa bashers. Mag-iimbita lang daw ako ng negatibong vibration sa aking buhay nang walang kalaban-laban.

Okey lang daw sana kung ako ay may ipino-promote na tindahan ng Feng shui  charms o isa akong psychic para i-promote ang aking serbisyo. Kaso wala akong tindahan, at lalong hindi ako psychic. Ang sigurado diyan, bugbog sarado ako sa bashing mula sa netizens. Bakit kami nagkaroon ng ganoong ka-bold na conclusion? Nagpi-feeling sikat ba ako?

Dalawa o tatlong taon na ang nakakaraan, may nalathala akong artikulo sa internet tungkol sa aking ina. May imbitasyon sa internet na mag-submit ng essay tungkol sa ina para sa Mother’s Day. Napili ang aking entry.  Tungkol ito sa malungkot at mahirap naming buhay pero buong tatag na hinarap ng aking ina.

Hindi naman kami celebrity. Wala akong siniraan sa artikulo. Isang simpleng pagpaparangal sa  ina ang topic ng  personal essay. Pero sa maghapong pagkakalathala sa internet, ito ay nakakuha ng 89 comments na ang 90 percent ay pulos bashing. Kesyo mayabang daw ang writer, bobo at kung anu-ano pa. Hinayaan ko lang. Nasa isip ko, bitter lang sa kanilang buhay ang mga lecheng bashers na ‘yan. Tumigil na ako sa kabibilang ng comments sa second day dahil mas marami at mas masakit na ang pinagsasasabi ng mga commenters. Big hit sa mga bashers ang aking kuwento, sa totoo lang,  samantalang marami pang kuwentong ina ang nalathala na puwede nilang i-bash.

Noong ikatlong araw ng pagkakalathala, nagpasya akong mag-e-mail sa Yahoo para i-request na tanggalin na ang aking artikulo sa internet dahil makirot at nagnanaknak na ang kalooban ko. Sabi ng isang commenter : A, anak pala siya ng kotong cop. Sa isang sentence,  nabanggit kong pulis ang tatay ko. Hayun na, biglang naging anak ako ng kotong cop. Matagal nang nananahimik ang kaluluwa ng tatay ko pero isinali pa rin ng inggitero at walanghiyang netizen.

Ang pangyayaring ito ang naging basehan ng aking anak at kapatid na hindi magandang ideya ang pagpapa-interbyu sa TV. Kung ‘yung aking essay  sa Yahoo ay ganoon ang inabot na pang-iinsulto, paano na kaya kung ang interbyu sa akin ay i-post sa Facebook at Twitter kung saan ang TV show na iyon ay may account. ‘Yan pa namang topic na Feng shui ay hati ang opinyon ng publiko. Ang iba ay tahasang sinasabi na mula sa demonyo ang paniwalang iyan. Ang mga artista i-bash man ng milyong beses ay may napapalang maraming pera at kasikatan. Kawawa naman ako, hindi naman sikat at barya-barya lang ang pera, pero maba-bash nang bonggang-bongga.

AKING

AKO

AKONG

ANG

FENG

HINDI

KUNG

LANG

MGA

NBSP

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with