PANAHON na upang kumilos at ika nga ay gumamit ng kamay na bakal ang gobyerno upang obligahin ang mga manufacturers na magbawas sa presyo ng kanilang produkto na kabilang sa mga pangunahing bilihin sa bansa.
Ito ay kaugnay ng patuloy na pagbagsak ng presyo ng produktong petrolyo sa world market na nararanasan din sa bansa.
Dapat ay umepekto sa lahat ang mababang halaga ng langis sa kasalukuyang dahil bibihira lang itong mangyari at marapat na makinabang ang lahat.
Masyadong mababaw ang rason ng mga manufacturers na maliit lang daw ang epekto ng produktong petrolyo sa kanilang mga produkto kaya wala daw dahilan upang magbaba ng presyo.
Pero napakaimposibleng walang epekto ito sa mga manufacturers ang mababang presyo ng produktong petrolyo..
Makakabuting ihanay natin isa isa kung papaano nakikinabang ang mga manufacturers sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo..
Una ay mababa rin ang singil sa kuryente , LPG at sa pabrika na lamang ay ang malaking nababawas sa gastusin dito.
Bukod diyan mayroong mga delivery truck ang mga manufacturer ay tiyak na nabawasan din ang gastos nito sa konsumo sa diesel o gasolina.
Napakarami pang malaking gastusin sa mga manufacturer ang puwdeng pagbasehan na nakinabang sila sa mabang presyo ng produktong petrolyo.
Dapat ay manindigan ang Department of Trade and Industry (DTI) na protektahan ang publiko sa mga ganitong pagkakataon upang makinabang sa pagbaba ng presyo ng langis.
Kung mataas ang presyo ng langis ay madalas magreklamo ang mga manufacturers kung kaya napipilitan daw sila na magtaas na presyo pero kabaliktaran naman ang ginagawa ng mga ito kapag bumaba ang presyo ng produktong petrolyo.