^

Punto Mo

Nakaka-miss si Gen. Valmoria!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NOONG panahon ni NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria, kapag ini-report mo ang color games at drop ball sa mga perya­han, umaatikabong raid kaagad ang iniutos n’ya. At hindi lang ‘yan! Sarado kaagad ang mga color games at drop ball kapag dinaanan ng bagyong Valmoria. Kaya hanggang sa magretiro si Valmoria, naniniwala ako mga kosa na ni isang kusing ay hindi siya kumuha sa pasugalan, lalo na sa color games at drop ball. Kaya malungkot ang mga peryante noong Kapaskuhan ng 2014 bunga sa nakabantay sa kanila si Gen. Valmoria. I-report mo lang ang pergalan, at kahit sino ka man, sibilyan o media man, t’yak aaksiyunan ni Gen. Valmoria. Subalit nang palitan ni Dir. Joel Pagdilao sa NCRPO si Valmoria, mukhang nagbago ang ihip ng hangin. Hindi naman sa di umaaksiyon si Pagdilao laban sa color games at drop ball at saksi naman tayo ng sunud-sunod na raid laban sa pasugalan sa peryahan, lalo na sa Maynila kung saan namumugad ang booker na si Marissa. Subalit pumikit lang sandali si Gen. Pagdilao, aba balik puwesto kaagad ang color games at drop ball. Punyeta! Ibig sabihin kaya nito walang takot ang mga district director at chiefs of police ke Pagdilao? Hehehe! Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Kaya ko naman nabanggit itong si Gen. Valmoria dahil tuloy pa din ang color games at drop ball sa peryahan na matatagpuan sa Baseco compound sa Port Area, Manila at sa PRC sa Pasong Tamo sa boun­dary ng Bgys. Tejeros at Cardona sa Makati City. Ang mga pasugalan sa peryahan ay kung ilang beses nang na-raid ng mga bataan ni Gen. Pagdilao subalit pagkalipas ng ilang araw ay balik na naman sa dating gawi ang mga ito. Itong peryahan ni Marissa sa Baseco ay sa sakop ni Supt. Albert Barot, ang hepe ng Stn. 5 ng MPD samantalang ang sa Makati naman ay sa hurisdiksiyon ni Sr. Supt. Ernesto Barlam. Ibig bang sabihin nito mga kosa niloloko lang nina Barot at Barlam si Gen. Pagdilao? Kung noong panahon ni Gen. Valmoria disiplinado nito ang mga opisyal sa command n’ya at nitong panahon ni Gen. Pagdilao ay hindi? Ano ba ‘yan? Kung nagmamatigas itong sina Barlam at Barot, t’yak may basbas ito ng mga district directors nila, di ba mga kosa? Kung si Barot ay protektado ni MPD director Chief Supt. Rolando Nana itong si Barlam naman ay ni SPD director Chief Supt. Henry Rañola. Si Nana mga kosa ay miembro ng PMA Class ’85 samantalang si Rañola naman ay ng PMA Class ’83. Puwedeng magmatigas itong si Rañola kay Gen. Pagdilao, na miembro ng PMA Class ‘84 dahil senior s’ya dito at magreretiro na ‘sya sa Feb. 13 habang si Nana ay junior naman. Nakakadismaya itong mga produkto ng PMA, eh color games at drop ball lang hindi maaksiyunan, di ba PNP chief Dir. Gen. Ric Marquez Sir? Alright, mga Sirs! At habang patuloy na nag-ooperate ang color games at drop ball sa Baseco at sa PRC, hindi lang napapahiya ay itong si  Gen. Pagdilao, kundi bumabaho pa ang imahe ng kapulisan natin dahil ang puesto piho na sugal ay hindi masawata. Nagmumukha kasing di kayang pasunurin ni Gen. Pagdilao itong sina Rañola, Nana, Barlam at Barot. Punyeta! PNP chief material itong si Gen. Pagdilao at baka magiba lang dahil sa naglilipanang color games at drop ball sa Metro Manila, di ba mga kosa? Hehehe! Nakaka-miss tuloy ang liderato ni Gen. Valmoria! Get’s n’yo mga kosa?

Samantala, nais ko ibando na wala akong inutusang makipag-usap sa mga peryahan at ano pang uri ng sugal, hindi lang sa Metro Manila, kundi maging sa probinsiya, lalo na sa Bulacan. May nagbalita kasi sa inyong lingkod na may nagti-text sa mga peryahan, na nagpapanggap na ang inyong lingkod at sinasabing magpadala sa kanila ng P20,000 sa Smart Kuwarta Padala sa numerong 5299/6757/6398/8181. Ang gamit na numero ay ang 0949-913-9494. Ang payo ko sa mga kinakausap ng kupal na ito ay ipa-salvage…este ipa-entrap s’ya sa pulisya, at kasuhan para makulong at madala. Abangan!

ACIRC

ANG

ATILDE

BALL

BARLAM

BAROT

COLOR

GEN

MGA

PAGDILAO

VALMORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with