^

Punto Mo

SC Justices, mag-ingat sa desisyon

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MAITUTURING na isang sensitibo ang hawak na kasong diskuwalipikasyon ng Korte Suprema dahil maari itong magbunsod ng kaguluhan sa pulitika.

Dapat ay maging maingat at sensitibo ang mga mahistrdo ng Korte Suprema sa paglalabas ng mga pahayag sa panahon ng oral argument upang hindi maakusahan na may kinikilingan sa nasabing kaso.

Makabubuting pagtuunan ng mga mahistrado ang usapin ng legalidad sa kasong diskuwalipikasyon at agad tumbukin ang mga tanong upang masagot din ng deretsahan ng respondents at petitioners sa kaso.

Lumabas kasi sa opinyon ng publiko na si Justice Marvic Leonen ay pumapabor sa kaso ni Senator Grace Poe dahil sa mga komento nito sa kaso at tila pangangaral sa mga kasamahan.

Lumitaw pa na nakikisimpatya si Leonen kay Poe bilang isang ampon at hindi kilala ang tunay na mga magulang.

Si Justice Mariano del Castillo naman ay napaghihinalaan na laban kay Poe dahil sa tila iniipit nito ang mga abogado ni Poe at ang mga tanong ay nagreresulta ng negatibo sa senadora.

Sana ay maging maingat ang mga mahistrado sa ganitong pagdinig lalo pag ito ay kinokober ng media at maaring makabuo ng maling kaisipan sa publiko.

Samantala, dapat ay maging matalino rin ang publiko sa mga narirnig at nababasang pangyayari at pagdinig sa oral argument at huwag magpadala sa iba’t ibang opinyon.

Sana ay magtiwala ang publiko sa mga mahistrado ng Korte Suprema na walang papanigan at paiiralin ang itinatadhana ng batas.

Makabubuting bilisan ng Korte Suprema ang paglalabas mg desisyon sa kasong ito at inaasahan na irerespeto naman ito ng mga apektadong kampo para sa interes ng bansa.

ANG

DAPAT

JUSTICE MARVIC LEONEN

KORTE SUPREMA

LEONEN

LUMABAS

MAKABUBUTING

MGA

SANA

SENATOR GRACE POE

SI JUSTICE MARIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with