1—Kapag teen-ager pa lang: Maraming time at energy pero walang money.
Kapag nagtatrabaho na: Maraming energy at money pero walang time. Pagsapit sa pagtanda: Maraming time at money pero walang energy. Lesson: Namnamin ang saya ng buhay sa mga bagay na mayroon ka. Hindi mo naman makukuha ang lahat ng gusto mo sa isang bagsakan lang.
2—Hindi nabibili ng pera ang kaligayahan pero mas maginhawa pa rin sumakay sa Mercedes kaysa mag-commute araw-araw sa jeep.
3—Marami pa rin nabubuhay na criminal dahil illegal silang barilin.
4—Hindi solusyon sa problema ang pag-inom ng alak, pero, hindi rin ang pag-inom ng gatas.
5—Kung hindi mo hahabulin ang gusto mo, hindi mo iyon makukuha.
6—Kung hindi ka magtatanong, mananatiling “NO” ang sagot.
7—Kung hindi ka hahakbang nang pasulong, mananatili ka sa lugar na kinatatayuan mo.