^

Punto Mo

Color games sa Baseco na ipinasara ni Pagdilao, bukas uli!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HUMAHANGOS na nagreport ang kosa ko sa Baseco, Port Area sa Manila na tuloy din naman ang operation ng color games ni Marissa dun sa lugar nila. Kapag gabi kung magbukas ang color games na bantay-sarado ng mga bata ni Marissa. Sa pagkaalam ko, ipinasara na ni NCPRO chief Dir. Joel Pagdilao itong color games ni Marissa sa Baseco subalit mukhang may go signal ni Supt. Albert Barot, ang hepe ng Station 5 ng MPD ang pagbukas nitong muli. Hindi na pinapansin ni Barot ang kautusan ni Pagdilao kapalit nang kinang ng pitsa ni Marissa? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Kung sabagay, hindi na natin maasahan na kumilos pa itong si MPD director Chief Supt. Rolando Nana laban sa color games ni Marissa dahil putok na sa Camp Crame na titigbakin na s’ya sa puwesto dahil pitsa-pitsa lang ang lakad n’ya. Hehehe! ‘Ika nga, nag-iipon na ng baon itong si Nana. Punyeta! Dapat ‘wag nang bigyan ni PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez ng puwesto itong si Nana bunga sa wala naman s’yang masabing accomplishment, maging sa naglilipanang pasugalan at droga sa Maynila, di ba mga kosa?

Habang nagsasaya si Marissa bunga sa pagbukas na muli ng color games n’ya sa Baseco, pumutok naman noong nakaraang linggo ang balita na si Eastern Police District (EPD) director Chief Supt. Elmer Jamias ang papalit kay Nana. Siyempre, inulan si Jamias ng text messages na nag-congratulate sa kanya sa paglipat n’ya sa Manila Police District (MPD) na ikinagulat naman n’ya. Sa totoo lang, ilang buwan pa lang si Jamias sa EPD subalit madami na s’yang accomplishment tulad ng paglutas ng “kidnap me” case sa La Salle Greenhills, ang pag-solve ng kaso ng traffic murder sa Pasig at pati na ang stray bullet incident sa Marikina. Si Jamias mismo ang personal na nangasiwa sa pag-trabaho sa mga kaso kaya’t presto….ilang araw lang at me kasagutan na sa mga ito. Sa kasalukuyan, tinutukan ni Jamias ang Christmas eve murder ni Susan Tan-Uy sa San Juan City kung saan medyo nagkalinaw na. Masalimuot ang kasong ito ni Uy at inaabangan ng Chinese community ang kahinanatnan ng imbestigasyon ni Jamias. Kung gagawing basehan itong mga accomplishment ni Jamias sa kaunting panahon n’ya sa EPD, hinog na s’ya para sa malalaking hamon ni Marquez, tulad ng MPD o regional command. Get’s n’yo mga kosa? Punyeta! Baka makaapekto ang sigalot n’ya kay Vice Pres. Jojo Binay ang napipintong paglipat ni Jamias sa MPD bunga sa relasyon ng una kay former Pres. at now Manila Mayor Erap Estrada ah? Hehehe! T’yak hindi, dahil ninong sa kasal ni Jamias si Erap, di ba mga kosa?

Subalit kahit matunog si Jamias, umugong din ang pangalan ni Sr. Supt. Danny Maligalig, ng PMA Class ’84, bilang MPD director kapalit ni Nana. Si Maligalig ay matagal nang naugong na lilipat sa MPD subalit sa hindi malamang dahilan ay palagi itong nauudlot. Ano kaya ang tsansa ni Maligalig sa ngayon? Ang umiikot na balita sa Camp Crame ay ngayong araw ang turnover para kay Maligalig sa MPD subalit sa pagkaalam ko wala pang order ukol dito. Si Maligalig ay mahigit nang dalawang taon na deputy for administration ng Maritime Group kaya’t hinog na siyang ma-promote, di ba mga kosa? Sa totoo lang, si Maligalig ang matawag nating last man standing sa PMA Class ’84 o ‘ika nga, s’ya na lang ang hindi pa na-promote bilang heneral. Punyeta! Panahon na para bigyang ng command itong si Maligalig dahil mahigit 20 months na lang s’ya sa serbisyo, di ba mga kosa? Si Jamias kaya o si Maligalig para sa MPD? Kahit sino sa dalawa puede na basta puksain lang nang mananalo ang mga color games ni Marissa, di ba mga kosa? Si Nana? Puede na sa DIPO ‘yan, kasi madami na s’yang naipong baon galing ke Marissa. Get’s n;yo mga kosa? Abangan!

ACIRC

ANG

BASECO

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

JAMIAS

KOSA

MALIGALIG

MARISSA

MGA

MPD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with