^

Punto Mo

Sir Juan (95)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

EPEKTIBO ang mga payo ni Sir Juan kay Mahinhin na huwag sasagot o magsasalita kapag kinukumpronta ni Nectar. Hayaan lang daw na magsalita nang magsalita. Pero kanina --- nang sabihin ni Nectar na ang kapal ng mukha niya at bumalik pa rito sa boarding house – ay gusto na niyang magsalita. Gusto niyang sabihin na hindi siya nude dancer kundi isang bookkeeper. Pero nagtimpi siya. Sinunod niya ang payo ni Sir Juan. Mahusay ang plano ni Sir Juan para makaiwas sa gulo. Talagang pinag-isipan ni Sir Juan ang lahat para hindi na muling mapahamak kay Nectar. Masama talaga ang mga iniisip ni Nectar para sa kanya. Mabuti na lamang at may malasakit sa kanya si Sir Juan. Napakabuti ni Sir Juan na may malasakit sa boarders niya.

Hanggang maalala ni Mahinhin ang mga sinabi ni Sir Juan noong nasa sekretong lagusan sila. Magpapanggap daw silang magsiyota para lubusang mawala o mapigilan ang mga binabalak ni Nectar. Kutob ni Sir Juan, may pagtingin sa kanya si Nectar. At maaari raw nagseselos si Nectar kaya nagagalit sa kanya (Mahinhin).

Napangiti si Mahinhin sa mga maaaring mangyari kapag nagpapanggap na silang magsiyota. Ano naman kaya ang gagawin nila bilang magsiyotang nagpapanggap? At magtagumpay naman kaya na mapigil si Nectar sa mga gagawin pa nito?

Naisip ni Mahinhin, basta susunod siya sa mga utos ni Sir Juan. Ito ang nakaaalam nang lahat.

 

ISANG araw nagkita sina Nectar at Gringo. Inis na si Nectar dahil sa pagbalik ni Mahinhin sa boarding house.

‘‘Sorry Nec, hindi ko na­kunan ng picture si Mahinhin. Ni-raid kasi ang KOLEHIYALA.’’

‘‘Tangengot ka kasi.’’

‘‘Anong gagawin ko, Nec?’’

“Wala na! Nagbalik na sa boarding house si Mahinhin!’’

“Paano ang usapan natin? ‘Yung ipahihipo mo ang nasa likod ng pugad ng The Raven.’’

“May ipagagawa pa ako sa’yo at kapag nagawa mo, saka ka makaka-iskor.’’

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

ANO

JUAN

MAHINHIN

MGA

NECTAR

PERO

SIR

SIR JUAN

SORRY NEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with