RAMDAM na ang pagbabago ng panahon. Mataas ang mortality rate sa mga piggery farm.
Hindi maiwasan, maraming baboy ang namamatay. Nagka-kasakit, hindi nakakayanan ang pabago-bagong temperatura.
Sa ganitong panahon rin, marami sa mga trabahante nagi-ging malikhain. Itinuturing oportunidad ang pagkamatay ng mga alagang baboy.
Sa halip na sinusunog at ibinabaon sa lupa, pinagkakakitaan. Kinakatay para ibenta sa mga pamilihan.
Karaniwan itong makikita sa mga night market, bangketa at pampublikong pamilihan. Hinahalo sa mga sariwa at bagong katay para hindi mahalata.
Ipinupuslit ito ng mga putok sa buhong trabahante, kadalasan tuwing madaling-araw. Gamit ang mga closed aluminum van, ibinibiyahe ang mga tone-toneladang karne sa Metro Manila.
Hindi na bago ang modus na ito. Matagal nang umiiral ang underground industry na ito. Patuloy na namamayagpag dahil may demand at supply sa merkado na patuloy na tumatangkilik sa produkto.
Hindi layunin ng kolum na ito na siraan o saktan ang livestock industry. Ito ay paggising lamang sa mga mamimili at publiko.
Babala ng BITAG, paganahin ang pang-amoy at paningin sa pagpili ng karne.
Kayo naman dyan sa National Meat Inspection Service (NMIS), ‘wag na kayong tutulog-tulog sa pansitan. Kilos-pronto!
* * *
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.