NAGKAKASAYAHAN ang lahat dahil may nagaganap na Special Olympics sa Seattle Washington. Ang participants ng Olympics ay mga batang estudyante na physically and mentally disabled. Kasalukuyang inuumpisahan ang 100 yard dash. Nakahanay sa starting line ang nine excited contestants. Nang ibaba ng titser ang kanyang kamay bilang signal na puwede na silang tumakbo, nagkanya-kanyang karipas ng takbo ang siyam na kalahok. Wala silang pakialam kung nasa linya sila o hindi, basta’t ang nasa isip ng mga bata ay mauna silang makarating sa finish line.
Sa gitna ng sigawan ng mga taong nanonood ay nadapa ang isang lalaking contestant. Pumalahaw ito nang iyak. Ang batang babae na may Down Syndrome, na nauuna nang bahagya ay narinig ang palahaw. Tumigil siya at lumapit sa nadapang contestant. Tinulungan niya itong makatayo at hinalikan sa pisngi sabay sabing: “Don’t cry…”.
Isa-isang napatigil ang lahat ng contestants. Lahat ay nakatingin sa nadapang kasamahan. Kahit walang namutawing salita sa bawat isa, nagkaisa ang lahat na magkapit-kamay at sabay-sabay na tumakbo patungo sa finish line. Katahimikan muna. Lahat ng audience ay na-shock sa eksenang nasaksihan. Pagkatapos ay isang nakabibinging palakpakan ang umalingawngaw sa stadium na tumagal nang ilang minuto. Kung ang mentally disabled ay nakakaunawa ng pagmamalasakit at pagkakaisa, bakit nahihirapan ang mga normal na gawin ito?