MAY bagong imbensiyon mula Paris na ikatutuwa ng mga taong mahilig mag-alaga ng halaman ngunit walang oras para tutukan ang mga ito.
Ang imbensiyon ay tinaguriang “smart pot” dahil isa itong paso na kayang mag-alaga ng halamang nakatanim sa kanya kahit makalimutan pa ng may-ari na asikasuhin ang halaman ng matagal na panahon.
Ang kakaibang paso na ito ay mula sa kompanyang Parrot kaya pinangalanan nila itong “Parrot Pot.” Medyo may kamahalan ang Parrot Pot sa presyo nitong $99 (katumbas ng P4,700). High-tech naman kasi ang paso dahil mayroon itong mga sensors na magpapaalala sa may-ari nito kung kulang sa liwanag o fertilizer ang halaman.
Hindi rin magiging problema kung makakalimutang madi-ligan ang halaman dahil ang Parrot Pot na mismo ang magdidilig sa halaman. Puwede kasing kargahan ng hanggang dalawang litrong tubig ang paso at doon kukuha ng ang paso ng ididilig sa halaman sakaling makalimutan ng may-ari na diligan ito.
Hindi rin magastos ang paggamit sa Parrot Pot dahil tatakbo ito sa pamamagitan lamang ng apat na AA na ba-terya na maa-ring tumagal ng isang taon.
Plano ng kompanyang Parrot na ipagbenta ang kanilang high-tech na imbensyon sa darating na Abril.