Kinakatakutan ang kanyang pagdating
Pagka’t init itong tila walang tigil;
Lahat naghahanda – pigil ang damdamin
Na ang puso’t diwa ay dumadalangin!
Palibhasa’y takot ang nasa sa puso
Mga mamamayan ay waring tuliro;
Sa mga tanggapan mga empleado
Ay nababalisa sa pagdating nito!
Ito’y ang El Niño na ang idudulot
Ay tuyot at init sa maraming dako;
Sa mga tahana’y malungkot ang tao
Pagkat natatakot magugutom tayo!