^

Punto Mo

EDITORYAL – Mga ‘buwaya’ sa BI

Pang-masa

MARAMING gutom na buwaya sa Bureau of Immigration (BI). At ang mga matatakaw na buwaya  sa nasabing tanggapan ay hindi pinapansin ang “tuwid na daan” na pinagmamalaki ni President Noynoy Aquino. Habang walang tigil ang Presidente sa pagmamalaki sa “tuwid na daan” ng kanyang administrasyon, naglipana ang mga buwaya sa BI. Dahil sa katakawan ng mga buwaya sa BI, pinatatakas ang mga dayuhang nakapiit sa kanilang tanggapan, kapalit nang mala­king halaga ng pera.

Noong Miyerkules, winakasan na ni Aquino ang katakawan ng mga buwaya. Sinibak niya si Immigration commissioner Siegfred Mison at 17 iba pa. Ipinalit kay Mison si Ronaldo Geron Jr. Itinanggi naman ni Mison na sinibak siya ng Presidente.

Nag-ugat ang pagsibak kay Mison nang paulit-ulit na makatakas ang isang South Korean habang naka-detained sa BI. Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), sangkot si Mison at 17 iba pa dahil sa pagtakas ni Cho Siongdae noong nakaraang taon. Inirekomenda ng NBI ang pagsasampa ng administrative charges at grave misconduct kay Mison at sa BI guard na si Juan Rafael Ortega.

Bago ang pagtatalaga kay Mison noong naka­raang taon, batbat na nang corruption ang BI. Corruption din ang dahilan kung bakit nagbitiw sa puwesto si dating Immigration chief Ricardo David Jr. Mara-ming eskandalong nangyari sa kanyang tanggapan. Kabilang dito ang ginawang panu­nuhol ng Chinese na si Wang Bo ng $100 million sa mga opisyal ng BI para makatakas. Si Wang Bo ay wanted sa kanilang bansa. Noong 2011, naging kontrobersiya rin ang isang BI chief na kinasuhan at hinatulan ng korte dahil sa pagtakas ng 11 Indians na sangkot sa drug trafficking. Malaking pera ang kapalit sa pagkakatakas ng 11 Indians.

Walang pagkakaiba ang nangyayari noon at ngayon. Hindi na nakapagtataka sapagkat nana­natili sa tanggapan ang matatakaw na buwaya. May aali­sing buwaya pero buwaya rin ang ipapalit. Wala nang katapusan ang paglipana ng buwaya sa BI.

Masusubukan ngayon si Geron kung kaya niyang lipulin ang mga buwaya sa kanyang tanggapan. Kapag nagawa niya, siya ang tatanghaling pinakamahusay na BI commissioner. Kung hindi, dapat nang buwagin ang santuwaryo ng mga buwaya!

ACIRC

ANG

BUREAU OF IMMIGRATION

BUWAYA

CHO SIONGDAE

JUAN RAFAEL ORTEGA

MGA

MISON

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NOONG MIYERKULES

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with