‘Tapos nang boksing’

“NO MAS.... NO MAS!”... mga katagang binitiwan ng isang dating sikat na boksingero na si Roberto Duran ng Mexico nang sinabi niyang ayaw na niyang ituloy ang laban.

Ito’y sa kadahilanang layo ng layo at sayaw ng sayaw ang kanyang kalaban sa taas ng lona.

Nakaukit na ang pangalan ni Duran at nabibilang sa mga Boxing Greats!

Ang ating Pambansang Kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao ay nagsabi na ring No Mas matapos ang huling laban niya kay Timothy Bradley at siya ay tuluyan nang magreretiro.

Ang kanilang laban ay nakatakda sa ika-9 ng Abril 2016 sa MGM Grand sa Las Vegas ayon sa Promoter na si Bob Arum.

Sila ay maglalaban sa WBO Welterweight Division. Si Pacquiao ay naging kampeon sa walong iba-ibang ‘class division’. Isang tagumpay na mahihirapan nang mapantayan.

Nagkaroon ng alingasngas na gusto ni Pacquiao na laban kay Mayweather at nag-anunsiyo na ng kanyang pagretiro sa boksing.

Ang tanong ko naman bakit pa e hindi naman lalaban ang taong yan dahil puro iwas, ilag at yakap ang alam ni Mayweather Jr.

Sa mga ipinakita niyang laban kaya ang kanyang pagiging ‘undefeated’ o walang talo sa kadahilanang hindi naman siya lumaban.

Sa kabilang banda si Pacquiao ay nakipagbasagan ng mukha, tadyang, namaga ang kamao hanggang sa tuluyang nagkaroon ng pinsala ang kanyang kaliwang balikat na kinailangan sumailalim siya sa isang operasyon.

Siya ngayon ay handa nang... ‘Let’s get ready to rumble!’ at ang huling lalaking nakatayo ay siyang hihiranging panalo at nasisiguro kong ito na ang manok natin.

Marami nang naibigay na karangalan si Pacquiao sa ating bayan at higit na nakilala ang ating bansa sa buong mundo dahil sa kanyang mga mala-batong kamao.

Panahon na rin Manny na ikaw ay magpahinga dahil ayaw pa naming makitang masaktan ka.

Parati niyang sinasabi na ang laban niya ay para sa bayan. Ibang klase namang laban ang kanyang susuungin at ito naman ay larangan ng pulitika bilang Senador sa Mayo 2016 at kapag siya’y nanalo tugma pa rin sa kanyang adbokasiya na para sa bayan.

Paano kaya kung siya’y manalo bilang Senador at habang ginagampanan niya ang kanyang tungkulin bigla na lamang siyang hamunin ni Mayweather Jr. ng One More Chance?

Wala nang Second Chance, ang meron ay ang direktor na naninigaw daw sa Forevermore totoo kaya yun? Hindi naman siguro.

Mabuhay ka Manny at nawa’y ikaw ay protektahan ng ating Panginoon sa iyong laban sa lona at pati na rin sa pulitika.

PARA SA ANUMANG REAKSIYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

Show comments