BUMABA ng halos kalahati ang biktima ng stray bullet at firecracker blast victims sa Metro Manila nitong nakaraang New Year revelry. Mula sa mahigit 400 na biktima ng firecracker blast noong 2015 New Year revelry ang ulat na dumating kay Dir. Joel Pagdilao, ang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ay 205 na lang sa pagsalubong ng taong 2016. Ang stray bullet incidents naman ay tig-isa sa Manila, Marikina at Valenzuela na mababa din kumpara sa nagdaang taon. Siyempre, ang napuri ay itong liderato ni Pagdilao bunga sa deployment pattern n’ya at lima n’yang district director ay naging medyo matahimik itong Metro Manila sa pag-selebra ng Bagong Taon. Malaki ang naitulong nang paigtingin ni Pagdilao ang kampanya laban sa paputok, lalo na ang piccolo na naging dahilan sa 70 porsiyento ng casualty figure noong 2015 New Year celebration. Kung sabagay, milyon din ang halaga ng nakumpiskang piccolo at ibang pang banned firecrackers ng mga tauhan ni Pagdilao bago pa sumapit ang Bagong Taon, di ba mga kosa? Punyeta! Malaki rin ang naitulong nang pag-ambon bunga sa kokonting Metro Manilans ang lumabas ng bahay para lang magpaputok, di ba mga kosa? Tumpak!
Kung sabagay, hindi lang ang pagkumpiska ng mga bawal na paputok ang tinutukan ni Pagdilao kundi nagpadala pa siya ng maraming pulis sa mga lugar kung saan marami ang nasugatan noong 2015 New Year celebrations, lalo na sa Tondo, Manila. Nag-deploy din si Pagdilao ng Special Weapons and Tactics (SWAT) at Special Reacion Units (SRU) ng limang police districts at 38 police stations, hindi lang para kumpiskahin ang mga bawal na paputok na binibenta sa kalye, kundi maging pag-aresto nang sinuman na sangkot sa indiscriminate firing ng baril. Kaya kahit may epekto ang ambon, malaking papel ang ginampanan ng SWAT, SRU at unipormadong pulis na nagpapatrulya sa kalye para bumaba ang bilang nang naputukan at dinala sa ospital nitong nakaraang New Year revelry, di ba mga kosa? Siyempre, hindi lang si Pagdilao ang dapat purihin dito kundi maging si PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez, na mismong nakatanggap ng text message ng papuri mula kay Pres. Noynoy Aquino for a job well done. Punyeta! Mukhang suwerte itong tandem nina Marquez at Pagdilao sa Metro Manila ah? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang yan!
Kaya lang may konting semplang dito sa trabaho ni Pagdilao bunga sa patuloy pa din ang operation ng color games ni Alex sa peryahan nito sa gilid mismo ng Sto. Niño church sa Tondo. Pina-raid kasi ni Pagdilao itong peryahan na matatagpuan sa Chacon St., at apat katao-sina Jerwin Gonzales, Nick Obligar, Jerson Gumaga, at Hector Quirabo- ang naaresto. Kasabay ng raid ng mga bataan ni Pagdilao sa peryahan ay ang pagtakas din ng siyam na preso sa Station 2 ng MPD, na halos ilang dipa lang ang layo sa color games ni Alex. Baka naman omo-orbit sa peryahan ang mga pulis kayaKt nalusutan sila ng mga preso? Punyeta! Pitsa kasi ang inuuna nitong mga bataan ni Supt. Nic Piñon eh, hayan nakarma tuloy!
Para sa kaalaman ni Pagdilao, matapos umalis ang mga RPIOU raiders, aba balik uli sa operation ang color games ni Alex na para bang walang nangyari. Sinabi ng mga kosa ko na hanggang Sabado ng gabi ay tuloy ang operation ng tatlong lamesang color games. KayaSt ang umuugong na tsismis sa peryahan ni Alex ay thingi-hulih lang ang nangyaring raid para ma-satisfy si Pagdilao. Paano mapasara ang color games kung naka-timbre ito sa RPIOU, opisina ni MPD director Chief Supt. Rolando Nana at Piñon, sa field office ng CIDG sa Maynila, sa CIDG sa Crame, sa NBI at GAB? Ang ibig sabihin ba nito, naiputan ng mga tauhan n ya si Pagdilao? Ano ba yyan? Punyeta! Dapat ipa-raid na muli ni Pagdilao itong color games ni Alex para mahinto na ang pagyayabang nyya habang di pa abala ang kapulisan ng MPD sa security ng Feast of Black Nazarene sa Enero 9! Abangan!