Sa kaarawan mo, Mahal

Ang araw ng pagsilang mo nang sandaling matalastas

Inisip na agad naming ang handog na nararapat;

Hangad naming alayan ka ng gunitang walang kupas

Ng gabundok na salapi’t kumpol-kumpol na bulaklak

 

Dapwa’t kami’y sadya yatang tinitikis n’yaring palad

Bulaklak na napipita ni anag-ag di mabakas;

Kaya kami’y nagpasyang hawakan na ang panulat

At ang luha’y padaluyin upang dito ay itatak

 

Sa pagdaloy luha nami’y waring tulo ng kandila

Na nag-isa at nabuong taludtod ng isang tula;

Na nagtanod at nagbantay sa mithing dakila

Na lumawig ang buhay mo – ang buhay mong mapagpala!

Show comments