Ilang araw matapos ang Pasko bahagyang nagluwag ang mga bus terminal sa Metro Manila.
Pero ngayon, gaya na nang inaasahan dagsa na naman ang mga pasahero sa mga provincial terminal na nagpipilit naman na makauwi sa kanilang lalawigan ngayong Bagong Taon.
Talaga nga namang hindi sila papayag na hindi makasakay nga-yong pagdiriwang ng New Year na hindi makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.
Kaya yung iba, kinakagat na kahit anong alok na kontrata ng ilang nananamantala.
Dahil dito, may babala ang LTFRB sa ilang bus company na sisingil ng mas mahal o magtataas ng pasahe.
Hindi na ito halos napapansin o kinukuwestyon ng maraming mga naghahabol na pasahero basta ang nasa isip nila kahit mahal kakagatin na nila makauwi lang sa kanilang mga probinsya.
Hindi lang mga bus ang kailangang bantayan kundi maging ang iba pang uri, kabilang na ang mga UV express,Uber, Grabcar, taxi at iba pa.
Una nang nakatanggap ng report ang pamunuan ng LTFRB na may ilang mga nananamantala partikular sa mga bus ang sumisingil ng mataas. Minomonitor ito ngayon ng ahensya kasabay nang bababala na pagmumultahin ang mahuhuli at mapapatunayang dawit sa ganitong mga gawain.
Kahit anya hindi walang pormal na reklamo sa mga pasahero basta makita o mapatunayan lang nila sa pamamagitan ng biniling tiket ay kanila nang papatawan ng parusa.
Sa joint administrative order ng LTFRB at LTO ang common penalty sa nasabing paglabag ay nasa P5,000.
Dapat talaga ito ang matutukan ng mga ahensya ng pamahalaan, dahil kawawa ang marami nating mga kababayan.
Nahihirapan na, nagagastusan pa!
Masaganang Bagong Taon sa inyong lahat!