1—Magpokus sa pakikisama sa mga tao. Isantabi na muna ang pagkamal ng pera, nagawa mo na ‘yan noong bata-bata ka pa.
2—Planuhin kung paano gagastusin ang iyong naipon. Sa paggastos, sarili mo muna ang iyong unahin. Kung married, siyempre kasama ang asawa sa plano. Mag-abroad kung kaya ng iyong budget.
3—Kung nanatili kang single, huwag mag-iwan ng pera or properties na pag-aawayan pa ng iyong mga kapatid at pamangkin. Gamitin mo na ito sa iyong pagpapasarap sa buhay. Ang itira lang ay gagastusin mo sa iyong caregiver, health insurance, medical expenses, etc.
4—Mag-enjoy kasama ang iyong mga apo pero huwag pumayag na maging full time yaya ng mga apo. Wala kang moral obligation para alagaan sila kaya huwag ma-guilty. Ang parental obligation mo ay sa iyong mga anak. Ang mga anak mo ang may obligasyon sa iyong mga apo.
5—Tanggapin ang katotohanan na bahagi ng pagtanda ang pananakit ng kung anu-ano sa katawan, kahit pa napakaingat mo sa iyong kalusugan. Ang sasakyan, kahit yari sa bakal ay nasisira din dahil sa kalumaan.
6—Lasapin kung ano ang mayroon ka sa kasalukuyan. Huwag nang mag-trying hard na kumita pa ng maraming pera. It’s too late para magpayaman. Just enjoy life kasama ang iyong asawa, mga anak at apo.
7—Patawarin ang mga nagkasala sa iyo. Patawarin mo rin ang iyong sarili.
8—Ihinto na ang paggamit ng credit card. Kung may existing pang utang, sikaping mabayaran ito kaagad. Unfair sa mga tao o kompanyang iyong inutangan kung maggo-goodbye ka sa mundong ito na may utang.
9—Isingit sa schedule ang pagbabasa.
10—Maging mas mabait at mas maunawain pa kaysa dati. Para “mabali” mo ang paniwala ng marami na kapag tumatanda, sumusungit sila.
(Ang artikulong ito ay protektado ng Republic Act 8293 o Intellectual Property Code Of The Philippines. Anumang paggamit ng artikulong ito nang walang pahintulot mula sa may-akda ay mariing ipinagbabawal at ang sino mang lalabag nito ay papatawan ng kaukulang kaparusahan sa ilalim ng batas.)