PINAAALALAHANAN ang mga magbabakasyon sa mga malalayong probinsiya.
Doble ingat sa mga tutuluyan ninyong bahay, apartment o condominium unit, pangmatagalan man o panandalian lang.
Upang hindi kayo malooban at mapasama sa estatistika ng mga nabibiktima, siguraduhing agad palitan ang mga door knob at susi ng inyong tinutuluyan.
I-tsek din lahat ng mga bintana, lagusan, labasan at mga maaa-ring pasukan ng mga kawatan. Palitan o maglagay ng mga double lock hanggat maaari.
Huwag isugal ang inyong buhay. Huwag magtipid dahil ang kaligtasan hindi nabibili o nababayaran.
Baka kasi bago pa kayo tumuloy ng inyong pamilya sa apartment, condo o bahay-bakasyunan, nauna nang umupa ang mga halang ang bituka.
Posibleng nagrenta lang sila ng ilang araw, kinabisado ang buong istruktura ng bahay at nagpagawa ng duplicate key.
Habang abala kayo sa pamamasyal at nagsasaya kasama ang buong pamilya, saka naman tumi-tyempo ang mga kawatan. Nagsasaya rin sa panlilimas ng lahat ng kanilang mga mapapakinabangan.
Marami ng ganitong uring kasong naidokumento ang BITAG. Malalaman nalang na sila’y nalooban kapag naisagawa na ang krimen.
Mag-log on sa bitagtheoriginal.com para makaiwas sa modus. I-click ang Safety Center.
Nasa amin ang babala, nasa inyo ang pag-iingat.
* * *
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.