‘Ber crimes’
ITO na ang mga panahon kung saan tumataas ang estatistika ng iba’t ibang uring kriminalidad sa bansa.
Panahon kung saan naglalabasan ang pera ng mga tao at abala sa paghahanda sa kabi-kabilang okasyon.
Kuwidaw! Ito rin ang mga panahon kung saan ang mga kriminal lalo pang aktibo at agresibo sa kanilang kagaguhan at katarantaduhan. Oportunidad lang ang kanilang hinihintay, gagawa at gagawa sila ng krimen.
Hindi na bago ang mga patayan, nakawan, panghoholdap, panloloob sa mga establisimento, akyat-bahay, panggagahasa at iba pang mga kauring krimen.
Pangkaraniwan nalang itong laman ng balita sa mga telebisyon, radyo, pahayagan maging sa social media.
Sa katergorya ng Philippine National Police (PNP), index crime at non-index crime ang tawag dito. Nakapaloob dito angcrime against person at crime against property.
Hindi magsasawag magbigay ng all points bulletin (APB) sa publiko ang modus buster sa larangan ng media, ang BITAG.
Sa ganitong mga panahon kasi, mas nagigising ang matinding pagnanasa ng mga masasamang-loob at demonyo sa lupa. Bukod sa alam na mapera ang mga tao, marami rin ang nag-uuwian sa mga probinsya.
Ginagawa nilang palaruan ang lansangan at iba’t ibang bahagi ng lungsod gamit ang kanilang mga estilo, taktika at estratehiya. Wala silang pinipiling oras.
Bagamat pinaiigting ng PNP ang kanilang kampanya kontra kriminalidad o ‘yung epektibo raw na Oplan Lambat Sibat partikular sa kalakhang Maynila na inilunsad ni dating Interior Sec. Mar Roxas, hindi nito magagarantiya ang seguridad ng publiko.
Paulit-ulit na babala ng BITAG, laging maging ‘listo at ‘lerto sa lahat ng pagkakataon.
Mas mabuti nang maging praning kaysa naman luhaan.
Mag-ingat, mag-ingat!
• • • • • •
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.
- Latest