Peryahan ni Marissa sa Maynila, sarado na!
HALOS dalawang linggo nang malinis ang Magsaysay Blvd., sa may banda ng Altura sa Sta. Mesa ng matawag nating mga “siga” na tricyle. May panaka-naka na sumusulpot at bumabalik sa dating gawi subalit ‘yan ay kapag nakalusot sila sa mga pulis sa presinto na matatagpuan sa ilalim ng flyover sa Altura St. Nang may nanakaw na tricycle sa palengke na malapit sa presinto, nagsilabasan ng kanilang lungga ang mga pulis kaya’t gutom ang mga tricycle drivers dahil bantay-sarado sila. Subalit nang lumamig ang isyu, hayun nagbabakasakali na ang mga tricycle driver at pinalulusutan ang mga pulis kaya’t ilan sa kanila ay sa gitna na naman ng Magsaysay Blvd. Ang hindi maintindihan ng mga residente sa lugar ay kung bakit sa Magsaysay Blvd., kumukuha ng pasahero itong mga tigasing tricycle driver at hayagang sinusuway ang babala ng mga pulis sa presinto? Parehas lang naman kasi ang pasahe na singil nila sa tatlong pila ng tricycle sa Altura St. at Buenos Aires Sr. Punyeta! Kapag may pulis na nakatayo sa harap ng presinto, sa gilid ng Altura St., nakatambay ang mga tricycle drivers na nag-aabang na makalusot sila sa bantay sa kanila. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Pero dahil sa pagluwag ng trapiko sa Magsaysay Blvd., nais pasalamatan ng mga residente ang mga pulis sa presinto, at siyempre babalandra ‘yan kay MPD director Chief Supt. Rolando Nana, di ba mga kosa?
Kung papalakpakan natin si Nana sa pagluwag ng trapiko sa Magsaysay Blvd., ganun din dapat sa pagsara n’ya sa mga color games at drop ball sa mga peryahan ni alyas Marissa. Kasi nga, tinalikuran ni Nana ang pitsa at trabaho ang namayani sa katawan n’ya. Ang pagsara naman ng color games at drop ball sa peryahan ni Marissa ay umani ng samu’t-saring komento sa mga “friends” natin sa social media. Ayon ay Ric Reyes: “P20 na lang nga bigay sa mga buraot ngayon gutom yung ASO shepherd sa press walang ma orbitan sarado ang tabakuhan sa Maynila. Di lang minemenos ni Marisa minumura pa mga umoorbit sa kanya hehe sirberguwenza daw.” Sinabi naman ni Maying de la Cruz na; “Hihihihihihihi…ayan…wala na orbit.. hihihi.” Ang komento naman ni kosang Jerry Yap; “Kumpare kay on-line medya sulsoltant ni Nana raw yan.” Ang kay MPD Pinagpala naman: “MPD-Manila’s Finest…GENERAL ROLANDO NANA…MABUHAY KA PO…BATA MU KAMING LAHAT…DAPAT SA MAYNILA NA MANGGALING ANG SUSUNOD NA REGIONAL DIRECTOR NG NCRPO. GOD BLESS PO” Sinabi naman ni German Roque na: “nabuko na ni MPD director ang raket ng HAO SHAO photojournalist sa bakuran ng MPD kaya nganga na sila pati kay ULSANO table na sila wala na silang komisyon sa nahuhuling pusher.” Punyeta!
Mukhang lamang ang pabor na masara itong mga peryahan ni Marissa sa Maynila kaya’t hindi na dapat kumurap si Nana para tuluyan nang mabura ang ilegal na ito sa Maynila, di ba mga kosa?
Sa ganitong sitwasyon na sarado ang color games at drop ball ni Marissa, ang lugi ay ang mga bagman ng iba’t-ibang unit ng PNP. Sa pagkaalam kasi ng mga kosa ko, dito sa mga peryahan nagpapa-sobra ang mga tong collector tuwing fiesta o Christmas para naman me maitabi sila sa kani-kanilang pamilya. Kaya’t nakangising aso ang mga tong collector kapag me peryahan sa hurisdiksiyon nila, di ba Marikina police chief Sr. Supt. Vincent Calanoga? Hehehe! Wala naman akong personal na galit dito kay Marissa at nagkataon lang na me reklamo laban sa ilegal na negosyo n’ya. Trabaho lang po! Advance Merry Christmas sa inyong lahat mga kosa at sana hindi kayo magsawa sa pagsuporta sa pitak na ito.
Abangan!
- Latest