^

Punto Mo

Sir Juan (68)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PROBLEMADO si Sir Juan dahil sa pagtawag ng kanyang kapatid sa Sydney. Nawalan pala ng trabaho ang kanyang kapatid sa pinapasukang advertising agency at nahihirapang maghanap ng trabaho. Balak daw umuwi muna ng Pinas kapag hindi pa nakakita ng trabaho in six months. Nagtatanong ang kanyang kapatid kung anong negosyo ang magandang pasukin sakali at magdesisyong umuwi na nga sa bansa. Fast food lang at karinderya ang alam na irekomenda ni Sir Juan. Kabisado kasi niya basta tungkol sa pagkain dahil matagal siyang katulong ng ina sa karinderya business noong nabubuhay pa ito.

Pero sabi ng kuya niya, wala naman siyang hilig sa ka­rinderya o food business. Talagang sa advertising lang siya nakalinya. Kaya walang kinapuntahan ang kanilang usapan.

Problemado pala ang kuya niya kaya kahit madaling araw dito sa Pinas ay tumawag. Hindi raw makatulog dahil nga wala nang trabaho. Mabuti na lang daw at suportado ng gobyerno ang mga nawawalan ng trabaho roon. Nakakatanggap ng tulong.

Matagal silang nag-usap ng kuya niya. Nag-sorry ang kuya niya dahil sa biglaang pagtawag. Pasensiya na raw dahil talagang wala lang mapagsabihan ng problema.

“Okey lang Kuya,’’ sabi niya rito.

“Hindi ba kita naabala?’’’tanong pa ng kuya niya kanina.

“Hindi!’’ sagot niya. Pero sa totoo lang, naabala siya dahil kasalukuyan silang “naglalaro” ni Nectar. Unti-unti na niyang tinitikman ang tamis ni Nectar. At kanina kung hindi tumawag ang kuya niya ay baka nasimsim na niya ang itinatagong kabanguhan ni Nectar.

Pero nagpapasalamat din si Sir Juan sa kanyang kuya sapagkat kung hindi tumawag ay baka nangyari na ang ‘‘pagtatalik’’ nila ni Nectar. At malay ba niya kung si Nectar ay isang bitag para sa kanya. Baka kaya ganun na lamang ang pagnanais ni Nectar na makapiling siya ay baka mayroon itong balak. Kung may mangyayari sa kanila, baka bigla siyang akusahan nito ng panggagahasa at tapos ang career niya. Kawawa naman siya. Mawawalan ng saysay ang sinimulan ng kanyang ina na isang maayos na boarding house. Dahil lamang sa pagiging mahina at pagtanggap sa tukso ay nasira ang iniingatang imahe. Mabuti na lang at tumawag ang kanyang kuya.

Naitanong pa ng kanyang kuya kung mayroon na siyang siyota. Sabi niya ay wala pa pero baka magkaroon na.

“Buntisin mo agad Juan para madagdagan ang lahi natin!’’ sabi ng kanyang kuya.

Nagtawa lamang siya.

Itinanong ng kanyang kuya kung anong itsura ng napupusuan niyang babae.

“Maganda naman Kuya.’’

“’Yun naman pala e madaliin mo na. Taga-riyan ba sa boar­ding house ang tsik?’’

‘‘Oo Kuya,” sagot niya.

“Pero mag-ingat ka lang at baka ka mapahamak. Estud­yante pala at baka minor pa.’’

“Salamat Kuya.’’

Doon natapos ang kanilang pag-uusap.

Pagkatapos mag-usap ay ini-lock ni Sir Juan ang pinto. Baka bigla na namang pumasok si Nectar.

Hindi nga siya dapat magpadala agad sa tukso. Kailangang hinay-hinay siya kay Nectar. Delikado.

Hanggang sa maisip niya si Nectar.

Nasaan na si Nectar?

Kailangang hanapin niya si Nectar para malaman ang katotohanan sa biglaang pag-alis nito.

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

BAKA

DAHIL

KANYANG

KUYA

LANG

NECTAR

NIYA

PERO

SIR JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with