^

Punto Mo

EDITORYAL – Isuplong ang mga magpapaputok ng baril

Pang-masa

TUWING sasapit ang Bagong Taon, hindi maiwasang maalala ang mga inosenteng bata na namatay dahil tinamaan ng ligaw na bala. Sino ang makakalimot sa nangyari kay Stephanie Nicole Ella ng Caloocan City noong 2013 na namatay makaraang tamaan ng ligaw na bala. Nanonood si Nicole at mga pinsan sa fireworks display ilang metro ang layo sa kanilang bahay nang bigla itong matumba. Akala ng mga pinsan ni Nicole ay pangkaraniwang pagkatumba lamang pero nang tingnan nila ang ulo, may umaagos na dugo. Isinugod sa ospital si Nicole pero makaraan ang ilang araw, namatay din ito. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa nahuhuli ang taong nagpaputok ng baril. Hinala ng mga pulis, tagaroon din sa lugar nina Nicole ang suspect at isa itong pulis.

Noong nakaraang taon, 61 ang tinamaan ng ligaw na bala habang nagdiriwang ng Bagong Taon. Karamihan na naman sa mga biktima ay bata. Maski sanggol na nakahiga sa kama ay hindi nakaligtas sa bangis ng ligaw na bala. Gaya nang nangyari sa isang lalaking sanggol sa Caoayan, Ilocos Sur. Ayon sa ina ng bata, nagluluto siya ng kakainin nila sa Bagong Taon, dakong 11:50 p.m. nang may marinig siyang bumagsak sa bubong. Kasunod ay ang biglang pag-iyak ng kanyang anak na noon ay katabi sa higaan ang ama. Dinala sa ospital sa Vigan ang sanggol subalit namatay din ito. Ayon sa pulisya, ang bala ay galing sa kalibre .45. Hinala ng pulisya, isang pulis o sundalo ang nagpaputok ng baril at hanggang ngayon, hindi pa ito nahuhuli.

Karamihan sa mga tinamaan ng ligaw na bala noong nakaraang taon ay taga-Metro Manila, Calabarzon, Western Visayas at Cordillera.

Noong nakaraang linggo, inumpisahan na ng Quezon City Police District ang paglalagay ng tape sa mga baril ng kanilang miyembro. Ito ay para maiwasan ang pagpapaputok ng mga pulis sa Bagong Taon.

Maganda ang hakbang ng QCPD para maiwasan ang indiscriminate firing ng kanilang mga miyembro. Gayahin din sana ito ng iba pang departamento. Maging alerto naman ang mamamayan. Kapag ang kapitbahay ay pulis o sundalo bantayan ito at kapag nagpaputok ng baril, agad isuplong. Huwag palampasin ang mga may “utak-tingga”.

ANG

AYON

BAGONG TAON

CALOOCAN CITY

HINALA

ILOCOS SUR

KARAMIHAN

METRO MANILA

MGA

NOONG

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with