^

Punto Mo

‘Honey fences’, gamit ng mga magsasaka sa Africa laban sa mga elepante

- Arnel Medina - Pang-masa

MALAKI ang problema ng mga magsasaka sa mga ele­pante. Matalas kasi ang pang-amoy ng mga ito kaya madalas ay nagagawi ang mga ito sa taniman ng mga mais at gulay. Kayang lumamon ng mga elepante ng 400 kilo ng mga pananim kaya siguradong wasak ang kabuhayan ng magsasaka kapag sumalakay ang mga ito.

Salamat sa zoologist na si Dr. Lucy King, ngayon ay hindi na nangangamba ang ilang magsasaka sa Africa sa pag-atake ng mga elepante sa kanilang mga pananim. Sa pamamagitan kasi ng mga bahay-pukyutan (beehives) na isa-isang nakahanay na parang bakod, hindi na nakakalapit ang mga elepante sa mga pananim upang kainin o sirain ang mga ito.

Naisip ni Dr. King ang solusyon na ito nang mapansin niyang iniiwasan ng mga elepante ang mga puno ng acacia kapag may nakasabit na beehive sa mga ito kahit pa ang mga dahon ng nasabing puno ang kanilang paboritong kainin.

Kaya matapos niyang pag-aralan ang ugali ng mga elepante ay naisipan niyang gumawa ng bakod nagawa sa alambre na may nakasabit na beehive sa bawat poste. Kapag lumapit ang mga elepante sa mga alambre, siguradong mabubulabog ang mga pukyutan at sila ang magtataboy sa mga elepante palayo sa mga pananim.

Epektibo ang solusyon na naimbento ni Dr. King at salamat sa mga “honey fences” na ito ay hindi na kailangan pang gumamit ng mga sibat at pana ng mga magsasaka upang itaboy ang mga elepante.

Mahal naman kung magpagawa sila ng mga bakurang may kuryente kaya talagang malaking tulong ang naimbentong honey fence ni Dr. King dahil bukod sa mura na ay madali pa itong itayo.

ACIRC

ANG

DR. KING

DR. LUCY KING

ELEPANTE

EPEKTIBO

ITO

KAPAG

KAYA

KAYANG

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with