1—Kung mataray kang misis noong iyong kabataan, “igarahe” mo na ang katarayang ‘yan. “Short time” na lang ang ilalagi ninyo sa mundong ito. Paranasin mo naman si Mister na magkaroon ng isang mabait at sweet na asawa.
2—Ang pagiging busy sa career ay huwag ninyong hahayaang maging dahilan para “lumamig” ang inyong sex life.
3—Kung may matatanda at sakiting magulang na inaasikaso si Misis o Mister, gumawa ng paraan na ibalanse ang oras sa asawa at sakiting magulang. May isang pangyayari na maagang umalis ng bahay si Misis para puntahan ang inang maysakit sa bahay ng kanyang kapatid. Tulog pa si Mister nang siya ay umalis.
Mga 10 P.M. na ay hindi pa dumarating si Misis dahil pagkagaling sa ina ay nag-grocery pa ito. Lingid sa kanyang kaalaman, noong 9:30 P.M. ay inatake sa puso si Mister. Dumating siya na nasa ospital na ang asawa at wala nang buhay. Oo, natanggap niya na hanggang doon na lang ang buhay ni Mister pero ang ikinasasakit ng kalooban niya ay hindi man sila nagkita at nagkausap noong araw na iyon. Kung hinintay na lang sana niyang magising si Mister bago umalis. It’s ironic na naggu-goodbye kiss sila sa isa’t isa bago umalis patungo sa kanilang trabaho pero hindi nakapagpaalaman sa huling araw ni Mister sa mundo. Ang ina ni Misis na mas mahina kay Mister, physically, ay buhay pa rin hanggang ngayon.
4—Tigilan na ang walang kuwentang pagtatalo. Maging mantra ang love, love, love na pinasikat ni Kris Aquino.
5—Magsabihan ng I Love You at mag-lips to lips araw-araw. Hindi n’yo alam kung kailan ang magiging last.
(Ang artikulong ito ay protektado ng Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines. Anumang paggamit ng artikulong ito nang walang pahintulot mula sa may-akda ay mariing ipinagbabawal at ang sinumang lalabag nito ay papatawan ng kaukulang kaparusahan sa ilalim ng batas.)