^

Punto Mo

Kunsumido na sa trapik!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Pa-grabe nang pa-grabe ang trapik sa buong Metro Manila.

Mukhang hindi rin kinakaya ng   PNP-Highway Patrol Group (HPG) ang matinding trapik lalu na sa kahabaan ng EDSA.

Kung dati usad-pagong ang galaw ng mga sasakyan, ngayon talagang masasaksihan ang walang galawan.

HIndi lang sa EDSA yan sa maraming pangunahing lansangan sa buong Metro Manila.

Matinding stress talaga ang inabot ng maraming motorista dahil ang trapik  nagsanga-sanga na sa iba pang mga lusutang daan.

Walang masulingan o mapuntahan ang mga motorista.

Dahil dito, marami   talagang napapamura .

Marami ang nag-init ang ulo.

Ano ba ang sinasabi noon ni DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya na hindi nakakamatay ang trapik?

Ayun,  kahapon lang isang driver ang binaril ng isa ring motorista sa hinihinalang gitgitan dahil sa matinding trapik sa Pasig City.

Ilan na rin I  nga ba ang napaanak sa lansangan dahil hindi na umabot sa pagamutan  dahil sa matinding trapik.

Eto pa, sa  lungsod ng Maynila, parang wala nang ginagawa ang traffic bureau dito para maibsan ang trapik. Hindi napapangasiwaan nang husto ang pagsasaayos sa daloy ng trapiko sa lungsod.

Sa Quiapo lamang mukhang hindi nababantayan sa mga nakaparadang sasakyan sa lansangan. Ang trapik sa Quiapo ay umaaabot na halos hanggang Welcome Rotonda sa boundary ng Quezon City. Mistulang nagtutulog sa pansitan ang mga nangangasiwa sa trapik sa lungsod kung kailan mas lalo silang kailangan dahil sa nangyayari sa mga lansangan.

Kahit gaano raw   kahaba   ang baun-baong pasensya ng mga motorista sa araw-araw, eh nauubos din daw ito dahil sa kalbaryong nararanasan dahil sa matinding trapik.

ANG

DAHIL

HIGHWAY PATROL GROUP

METRO MANILA

MGA

NBSP

PASIG CITY

QUEZON CITY

SA QUIAPO

SECRETARY JOSEPH EMILIO ABAYA

TRAPIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with