1. Basta’t may nag-birthday sa kapitbahay, baby man iyon or adult, siguradong ang party ay may kasamang magdamagang inuman at kantahan sa karaoke. Wala silang pakialam kung may mga taong nagngitngit, hindi sa ingay nila, kundi sa walang hiyang kumakanta nang sintunado.
2. Kung mas makapal ang apog, walang pasintabi na haharangan ang kalye para sa kalsada mag-set up ng dining area. Buti kung kalahating lane lang ang uukopahin, left and right lane ang sinasarhan. At wala silang pakialam kung hindi makadaan ang mga sasakyan.
3. Payabangan ang mga misis ng OFW. Nagkukumparahan ng dollars na ipinapadala ng kanilang mister.
4. Kapag tumayo ka sa kalsada early in the morning, 100 percent sure na makakarinig ka ng hilik ng kapitbahay. Minsan, nagsasagutan pa ang hilik. Maliit kasi area ng bahay at lote kaya ang bedroom ay naisasagad na hanggang boundary ng bakod at kalsada.
5. Balanse naman ang bilang ng mga kapitbahay na “rude” at may good manners. Sa mga hindi marunong mahiya, ang pag-aaway ng mag-asawa ay parang drama sa radyo na nakatodo ang volume—maliwanag na naririnig ang pagsasagutan at pagsasakitan hanggang ika-apat na bahay.
6. Laging may lumulutang na isang magkakabarkadang tsismosa at inggitera per block or street.
7. Magulo ang pamunuan ng homeowners’ association. Mas marami ang hindi nakikisamang magbayad ng monthly dues.
8. Mas marami sa homeowners ay OFW.
9. Marami rin ang may sariling sasakyan pero karamihan ay second hand. At sa kalye ang mga ito nakagarahe.
10. Ang advantage lang ng nakatira ka sa subdivision na hindi pang-mayaman, kapag pinasok ng magnanakaw ang bahay, isang matinis na sigaw lamang ay maririnig ka ng kapitbahay. Iyon nga lang huwag kang sisigaw ng magnanakaw at walang tutulong sa iyo. Ang isigaw mo ay SUNOG para kumilos ang mga walang pakialam. Kasi kapag sunog, lahat nang bahay ay nadadamay.
(Ang artikulong ito ay protektado ng Republic Act 8293 O Intellectual Property Code Of The Philippines. Ano mang paggamit ng artikulong ito nang walang pahintulot mula sa may-akda ay mariin na ipinagbabawal at ang sino mang lalabag nito ay papatawan ng kaukulang kaparusahan sa ilalim ng batas.)