Sir Juan (55)

TUMALIKOD na si Sir Juan makaraang makita na pumasok na sa loob ng KOLEHIYALA KTV si Mahinhin. Nakita ng dalawang mata niya na sa KOLEHIYALA nga nagtatrabaho si Mahinhin. May katotohanan ang mga sinabi ni Nectar. Hindi nagsisinungaling si Nectar.

Habang papalayo sa KOLEHIYALA ay nag-iisip nang malalim si Sir Juan. Bakit nagsinungaling si Mahinhin sa kanya? Lubos pa naman ang pagtitiwala niya rito. Naaawa pa naman siya kaya gusto niyang matulungan. Inaalok pa naman niya itong pag-aralin dahil nga nagtatrabaho sa gabi.

Napahinga nang malalim si Sir Juan.

Nagpatuloy siya sa pagla-lakad. Malapit lang pala ang KOLEHIYALA sa boarding house. Mga kinse minutos lang palang lakarin. Kaya pala umaalis si Mahinhin ng 5:30 p.m. Eksakto 6:00 p.m. pala ang kanyang pasok sa KOLEHIYALA. Ganoong oras pala ang simula ng live show.

Nang makarating siya sa bahay ay tila nanlalambot siyang napaupo sa loob ng kanyang opisina. Nagbigay sa kanya ng alalahanin ang mga natuklasan kay Mahinhin. Shock siya sapagkat wala sa mukha o sa kilos ni Mahinhin na nagsasayaw pala ito nang hubad sa KTV bar. Desente si Mahinhin at wala sa itsura nito na papasok sa ganoong trabaho.

Binalikan niya sa isip ang mga nakitang pictures sa cell phone ni Nectar. Hubo’t hubad talaga si Mahinhin. Nagsasayaw nang buong tindi at meron pang eksena na bumukaka ito.

Napahinga si Sir Juan. Malalim.

Bakit kailangang magtrabaho sa ganoong establishment si Mahinhin? Sayang nagtiwala pa naman siya.

Pero paano kaya niya paaalisin si Mahinhin sa boarding house niya?

(Itutuloy)

 

Show comments