^

Punto Mo

Gross!

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SI Jeffrey ay half German, half American. Ang mommy niya ang American samantalang purong German ang kanyang ama. Sa USA sila kasalukuyang nakatira. Isang araw ay nagpasya silang mag-anak na bumalik sa Germany para umatend ng funeral ng kanyang lola.

Mula sa Frankfurt airport ay sumakay sila sa taxi. Habang naka-stop light, namataan ni Mommy ang isang German na umiihi sa pader. Ang mga Germans ay parang Pinoy na umiihi sa gilid-gilid na kalye. Okey lang silang umihi, basta’t sa pader sila nakaharap. Nagulat si Mommy. Sa pananaw ng mga Amerikano, iyon ay mahalay, kaya nasambit niya ang “Ewwww, gross!”

Malakas ang pagsasalita ni Mommy kaya napalingon ang German na umiihi. Ngumiti ito sa direksiyon ni Mommy, kumaway at nagsalita ng “Danke”.

Habang tumatakbo ang taksi, si Mommy ay nagsalita: “Luko-luko yata ang lalaking iyon. Nginitian pa ako.”

Napatawa ang mag-ama. Paliwanag ni Daddy, “Honey, kaya ka nginitian at kinawayan ng lalaking iyon, akala ay nasilip mo ang kanyang “kuwan” at pi­nu­puri mo siya. Ang “gross” ay German word na ibig sabihin ay malaki”.

“Yuck! Ano ang ibig sabihin ng danke?”

“Thank you”

ACIRC

AMERIKANO

ANG

ANO

EWWWW

HABANG

ISANG

JEFFREY

LUKO

MALAKAS

MOMMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with