Mga tao sa ‘deaf village’ sa bali, halos lahat marunong mag-sign language

SA isang Balinese Village sa Bengkala, halos lahat ng residente roon ay marunong mag-sign language. Nasa 3,000 ang mga residente sa village at marami sa kanila ay bingi at pipi. Iyon ang dahilan kaya nag-aral ang lahat nang mga taga-roon ng kata kolok, lumang sign language nila para maka-communicate nang maayos ang mga ka-village na may kapansanan. Mataas ang paggalang at pagpapahalaga nila sa mga bingi at pipi.

Lahat ay nagpipilit matuto ng kata kolok. Para sa kanila, isang kapintasan kapag hindi marunong ng sign language. May magandang dahilan at layunin para sa mga taga-Balinese o “Deaf Village” kaya sila nag-aaral ng kata kolok. Ito ay sapagkat pataas nang pataas ang bilang ng nagkakaroon ng hearing and speech impaired sa kanilang village. Umano’y 15 ulit na mataas ang mga nagiging bingi at pip sa Bengkala at naisip nila dapat hindi rin sila tumigil sa pag-aaral ng kata kolok.

Ang pagiging bingi at pipi ay dahil sa geographically-centric recessive gene DFNB3, na umano’y nasa village na sa loob ng daang taon.

 

Show comments