Media nasisi sa ‘tanim-bala’
Media ang sinisisi ni Pangulong Noynoy Aquino dahil raw sa pagse-sentionalized sa isyu ng ‘tanim-bala’ sa mga airports sa bansa.
Dahil sa ganitong mga pahayag, inulan ng batikos si PNoy lalu ng mga OFWs na madalas nga na nagiging biktima ng ‘tanim-bala’.
Bakit nga naman sisisihin ang media, eh may lumulutang na naging biktima.
Base sa statistics na tinanggap ni PNoy buhat sa airports authorities nasa 1,200 lamang sa 34 na milyong travellers kada taon ang nakakasuhan na may dala ng bala.
Sa bilang na ito, tatlo lang umano ang sinasabing nagkaroon umano ng kotongan.
Naghanap na naman daw nang masisi si PNoy na madalas naman umanong mangyari kapag may mga isyu sa kanyang gobyerno.
Kitang-kita raw na “out of the situation” ang Pangulo, kung hindi man eh mis-informed o kulang ang tinatanggap nitong impormasyon.
Kahit isa o dalawa lamang umano ang naganap na kaso ng ‘tanim-bala’, dapat eh hindi ito binabalewala kundi dapat pa nga ay mabigyan ng masusing imbestigasyon at maagapan pang lumala.
Hindi naman kasi ang isyu ay ang bilang o ilan, kundi sa modus na naglalagay o nagbibilad sa bansa sa kahihiyan.
- Latest