Sir Juan (40)
NAGTAWA si Gringo sa sinabi Nectar na kapag nagawa niya ang ipinatatrabaho nito ay makikita ang nasa ilalim ng itim na pugad ng The Raven o uwak.
“Tuparin mo ang iyong sinabi, Nec,’’ sabi ni Gringo.
Nakangiti naman na tila nanunukso si Nectar.
‘‘Kapag sinabi ko, ginagawa ko.’’
“Puwedeng humingi ng advance. Kahit kapirasong silip lang.’’
“Hindi puwede. Kaila-ngan, tapos mo ang pinagagawa ko at saka ko ipakikita ang nasa ilalim ng pugad ng uwak.’’
‘‘Okey sige. Pagkatapos kong gawin ang pinatatrabaho, magpipista ba ako Nec sa pagsilip diyan?’’
‘‘Oo. Basta gawin mo ang trabaho.’’
“Okey sisimulan ko na mamayang gabi. Ibigay mo sa akin ang picture ni Mahinhin at kukunan ko na siya habang nagsasayaw. Tingnan ko nga nakakapaglaway siya gaya ng sinabi mo.’’
“Sige Gringo. Mag-ingat ka lang at baka bawal dun ang pagkuha ng picture.’’
“Ako ang bahala.’’
Naghiwalay na sila. Tatlong oras din silang nag-usap ni Gringo.
Habang pabalik si Nectar sa bahay ay nakangiti siya dahil magkakaroon na ng katotohanan ang mga plano niyang mapaalis sa boarding house si Nectar at masosolo na si Sir Juan.
Kapag naisagawa ni Gringo ang pagkuha ng picture kay Mahinhin ngayong gabi, bukas na bukas din ay kakausapin niya si Sir Juan at ipakikita ang mga hubad na larawan ni Mahinhin habang nasa stage at sumasayaw. Baka ma-shock si Sir Juan kapag nakita ang petchay ni Mahinhin.
Paniwala kasi ni Sir Juan, si Mahinhin lamang ang sikat sa boarding house at wala nang iba. Humanda ka Mahinhin!
KINAGABIHAN, nagtungo na sa KOLEHIYALA si Gringo para isagawa ang pinatatrabaho ni Nectar. Kailangang ngayong gabi ay makunan niya ng photo si Mahinhin.
Madali niyang nakita ang KOLEHIYALA KTV bar.
Ngayon lamang niya nalaman na may KTV bar pala sa lugar na iyon. Sunud-sunod ang nakita niya.
Pero sa malayo pa lang, tanaw na niya ang KOLEHIYALA.
Pumasok siya. Sinalubong ng isang crew. Inihanap ng mauupuan.
“Iisa ka lang ba Sir?’’
“Oo. Ihanap mo ako sa malapit sa stage.’’
‘‘Okey sir. Wait a minute.’’
Naikuha si Gringo ng upuan na malapit sa stage.
Umorder siya ng beer at pulutan.
Maya-maya ay pinatay ang ilaw sa stage. Magsisimula na ang show. Maagang lalantad ang mga petchay. (Itutuloy)
- Latest