Station ng tren sa England nabulabog dahil sa lalaking may dalang cheese sandwich

ISA sa mga pinaka-busy pero pinakatahimik na train station ang Stevenage na matatagpuan sa Hertfordsgire, England. Pero nang umagang iyon, nasaklot ng takot ang mga pasahero at mga tauhan ng train station nang biglang lumusob ang mga pulis at pinaligiran ang lugar. Isang lalaki umano na may kahina-hinalang kilos at may dalang baril sa dalang bag ang nasa station.

Ayon sa mga pulis, isang tawag ang kanilang natanggap sa 999 na mayroon daw lalaking may bitbit na bag at may kahina-hinalang bagay sa loob nito na hinihinala nilang baril.

Mabilis umano silang sumugod sa train station para arestuhin ang lalaki at nang mapigilan ang tangka nitong pamamaril o pangho-hostage.

Nang dumating sila agad nilang kinapkapan at ininspeksiyon ang bag na dala ng lalaki. At ganoon na lamang ang kanilang pagkagulat sapagkat sa halip na baril, cheese sandwich ang laman nito.

Napawi ang kaguluhan at muntik nang pagpa-panic ng mga tao makaraang makumpirma na hindi baril ang dala ng lalaki. Ang ilan ay lihim na nagtawa sapagkat ang inaakala nilang terorista ay sandwich pala ang dala.

Ganunpaman, nagpasalamat nang malaki ang mga pulis sa tumawag sa kanila sapagkat concerned ito sa mga napapansin sa paligid. Hindi ito nagdalawang isip na tumawag sa 999 at ipinaalam ang kahina-hinalang dala ng lalaki. Dapat daw ipagpatuloy ng publiko ang pagiging mapagmatyag para sa kaligtasan ng komunidad.

Hinikayat nila ang publiko na anumang mapansing kakaiba sa kanilang paligid ay huwag mag-atubiling tumawag sa kanila. Malaki umano ang papel ng publiko para mapanatili ang kaligtasan.

Cafe sa Tokyo, Japan pawang chubby at cute girls ang nagsisilbi

ISANG café sa Akihabara, Tokyo ang dinadayo roon ngayon dahil sa kakaiba nilang staff  na pawang chubby girls na tinawag na ‘marshmallow girls’.

Ayon sa founders ng Shangrila, pinu-promote nila ang ‘bostive’ (body positive) mindset sa mga kabataang Japanese. Ibig nilang pawiin sa isipan ng mga kabataan na hindi lamang “skinny” o payat ang depinisyon ng cute kundi pati na rin sa mataba.

Bagama’t marami nang café sa Japan, ang Shangrila ang nag-iisang café na nag-eemploy lamang sa mga overweight o matataba. Ang Shangrila rin ang tanging café na hindi nagbebenta ng mga junkfood. Laging sariwa umano ang kanilang isinisilbi sa mga kostumer at inihahanda ito ng Italian chef.

Show comments