Basura ang isang problema ng bansa
na hindi malutas ng gobyernong madla;
kung problemang ito’y agad mawawala
malulunasan na ang mga pagbaha!
Dahil sa basura ang estero’t kanal
mabaho ang tubig pagpatak ng ulan;
at dahil ang baha ay walang takbuhan
pati mga kalye’y nagiging dagatan!
at sa mga lugar na lubhang mababa
ang taas ng tubig ay nakakalula;
mayroong hanggang baywang-hanggang leeg pa nga
mga tao’t hayop ay walang magawa!
Kung ang basura lang ay maitatapon
sa lugar na tama at hindi sa bunton
ng mga basurang mabaho sa ngayon
tiyak tayong lahat ay ligtas maghapon!