^

Punto Mo

Mga aral sa APEC

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

SA idinaos na pagpupulong ng mga lider ng mga bansang kasapi ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na gina­nap sa bansa, maraming aral ang dapat na matutuhan ng lahat ng sektor.

Dapat ay matuto na mismo ang gobyerno na hindi pala nararapat na idaos ang napakalaking event tulad ng APEC summit sa pusod ng Metro Manila dahil libong commuters at motorista ang naapektuhan nito dahil sa sobrang sikip ng trapiko.

Bukod sa tinding dulot ng trapiko ay bilyong piso ang nalugi sa mga airline companies at iba pang negosyo sa bansa dahil sa pagkansela sa libong flights at pagsasara ng mga kalsada kaugnay ng mahigpit na seguridad para sa APEC leaders.

Sana sa pagsapit na muling mag-host ang Pilipinas ay pag-isipang mabuti na ng gobyerno ang mga apektadong sektor sakaling may ikonsiderang lugar na pagdadausan ng APEC summit.

Suriing mabuti ang naunang pagdaraos ng APEC summit at kung ano ang mga naging kapalpakan o kakulangan ay punuan at isaayos pang muli para maging tagumpay ang summit na walang naperwisyong mamamayan.

Doble kasi ang latay ng masamang preparasyon ng ganitong malaking event at ito ay may negatibong epekto sa mamamayan at ekonomiya.

Tulad ngayon ay sinasabing ang deklarasyon ng mga lider ng APEC ay sama-samang magtulungan para iangat sa kahirapan ang mga kasaping bansa tulad ng Pilipinas.

Pero papaano mahahango sa kahirapan samantalang  agad na ngang lumubog dahil sa kapalpakan ng pagiging punong abala ng pagtitipon matapos ang bilyUN-bilyong pagkalugi sa negosyo bukod pa sa mahigit sa P10 bilyong ginasta na inilaan sa APEC summit.

Mahalaga ang pagtiyak sa seguridad ng APECleaders kung kaya dito lang Yata nasentro ang preparasyon samantalang ang ibang  bahagi ay hindi nakita tulad ng perwisyo sa publiko at pagkalugi ng ilang negosyante.

Pagkatapos ng APEC summit ay dapat na ilantad sa publiko ang detalye kung saan napunta ang P10 bilyong pondo na inilaan dahil katapatan ito ng mamamayan mula sa buwis nating lahat.

vuukle comment

ACIRC

ANG

APEC

BUKOD

DAPAT

MAHALAGA

METRO MANILA

MGA

PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

PAGKATAPOS

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with