^

Punto Mo

Apat na Manok

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY isa akong kakilalang babae na may reputasyon sa kamag-anak ng kanyang mister na ubod ng bait. Halos sambahin siya ng mga kamag-anak ng kanyang mister. Mabilis kasi siyang utangan. Isa ako sa kakaunting bilang ng tao na hindi naniniwala na “genuine” ang kanyang kabaitan. Walang kamalay-malay ang mga “sumasamba” sa babaeng ito na may masama itong sinasabi kapag nakatalikod na ang taong nangutang.

Ang pamilya ng babaeng ito ay sa Maynila naninirahan. Kapag umuuwi sila sa probinsiya ay nakikituloy lang sila sa ancestral house ng kanyang mister. Dito nakatira ang kuya ng kanyang mister at pamilya nito. Isang araw ay umuwi sila sa probinsiya dahil aatend ng class reunion ang kanyang mister. Baked chicken ang iaambag nilang pagkain. May bitbit silang apat na hilaw na manok at isang maliit na electric oven.

Porke nga sinasamba siya ng mga kamag-anak ng mister niya, feel at home siyang nag-utos sa mga pamangkin ng kanyang mister na lutuin ang manok sa bitbit nilang electric oven. Umalis sandali ang babae at may inasikaso. Inaasahan niyang pagbalik niya ay luto na ang manok pero nadatnan niyang hilaw na nakahilata pa rin ang mga manok sa mesa.

Nainis ang babae at nagwika sa kaanak ng kanyang mister: Bakit hindi pa ninyo niluluto? Babayaran naman kayo sa kuryenteng magagamit.

Malumanay na sumagot ang isang pamangkin: Hindi po sa ganoon. Maliit po ang oven. Isang manok lang ang maisasalang diyan. E, isang oras ang gugugulin per piece  para maluto. Baka nag-uwian na ang mga kaklase ni Tiyo, hindi pa luto ang lahat ng manok. Naisip kong ipahurno na lang sa panaderia, wala pang isang oras, luto na ang apat na ‘yan. May smoke flavor pa dahil kahoy ang panggatong sa pugon. Hindi ko pa lang dinadala dahil nagpapainit pa ng pugon. Maya-maya ko raw dalhin.

Hindi umimik ang babae. Nakasimangot pa rin. Pagkaraan ng 40 minutes pagkaraang dalhin ang manok sa panaderia, umuusok-usok pang inihatid ng panadero ang ipanahurnong manok. Ang sarap ng amoy. Parang hamon. Kaso nagugutom na ang mga anak ng babae kaya sinagpang kaagad ang isang buo. Pagdating ng babae mula sa palengke ay nadatnan na lang nito na tatatlo na lang ang manok. Wala siyang alam kung sino ang kumain ng isang piraso.

Inis itong nagsalita: Diyos ko, aapat na nga lang, binawasan pa. Nakakahiya nang dalhin iyan sa party! Sino ba ang kumain?

Asar na sumagot ang isang matandang kamag-anak na kanina pa nag-oobserba ng pangyayari—Tanungin mo ang mga anak mo. Ang mga bata dito, kahit sabik sa masarap na pagkain, hindi nakikialam nang hindi para sa kanila.

Napangiti ako.  Sa loob-loob ko lang, “O, sige, sambahin n’yo pa ang babaeng ‘yan”.  Dahil lang sa apat na pirasong manok, lumabas ang itinatago niyang kulay.

ACIRC

ANAK

ANG

ASAR

HINDI

ISANG

KANYANG

LANG

MANOK

MGA

MISTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with