Sir Juan(35)
“HUWAG mong mamasamain ang iniaalok ko, Mahinhin,” sabi ni Sir Juan. “Ang nais ko lamang ay matulungan ka sa pag-aaral. Mahirap ang ginagawa mong nagtatrabaho sa gabi at nag-aaral sa araw.’’’
“Salamat po, Sir Juan pero kaya ko naman po. Hindi naman ako nahihirapan. Sanayan nga lang po ang lahat.’’
“Isa pang inaalala ko ay masyadong gabi na kung lumalabas ka mula sa pinagtatrabahuhan mo. Marami pa namang addict sa kalye at babae ka.’’
“Lagi po akong nagdadasal Sir Juan na protektahan ng Diyos.’’
“Oo, tama iyon pero mas maganda sana kung hindi ka na magwo-work at mag-aaral ka na lang.’’
Hindi makapagsalita si Mahinhin. Nag-iisip siya sa alok ni Sir Juan.
“Hindi naman sa pagmamayabang, marami na akong naipon. May naiwanang pera si Inay at iyon ang balak kong gamitin sa kawanggawa – sa pagpapaaral nga sa iyo kung papayag ka. Ang gusto ko ay makapag-concentrate ka sa studies. Baka maging summa ka pa kapag hindi ka nagwo-work.’’
“Naku hindi naman po summa, he-he-he!’’
“Ano, Mahinhin, ako na ang gagastos sa tuition mo.’’
“E pag-iisipan ko po Sir Juan. Ngayon po ay hindi ako makapag-desisyon. Nalilito po ako Sir Juan.’’
“A sige. Kapag nakapagdesisyon ka na e sabihin mo lamang sa akin.’’
“Sige po Sir Juan. Salamat po.’’
“Mag-ingat ka sa gabi, Mahinhin. Saan ka nga nagtatrabaho?’’
“A e sa kuwan po… sa pabrika po. Bookkeeper po ako.’’
“A okey. Sige.’’
“Salamat po Sir Juan.’’
Lumabas na si Sir Juan.
Paglabas ni Sir Juan, eksakto namang dumaan si Nectar at nakita siya.
Takang-taka si Nectar kung ano ang ginawa ni Sir Juan sa kuwarto ni Mahinhin.
(Itutuloy)
- Latest