Pondo sa APEC, imbestigahan

SAMPUNG bilyong piso ang inilaan ng gobyerno sa pagdadaos ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit.

Maituturing na hindi plan-tsado ang preparasyon at palpak na naman ang plano ng organi-zing committee ng APEC.

Hindi siguro alam ng mga nagplano na ang pagiging ta­gumpay ng APEC summit ay hindi lamang sa seguridad.

Hindi ko kinokontra ang mahigpit na paglalatag ng seguridad dahil mga lider ng bansa ang dadalo sa APEC summit bilang host country ang Pilipinas.

Tama ang paghihigpit ng seguridad dahil kung may mangyayaring masama ay malaking kahihiyan ito para sa Pilipinas.

Pero mas tagumpay sana kung napag-isipan nang husto ng nangasiwa sa APEC summit na mahigpit ang seguridad pero walang ibibigay na perwisyo sa publiko.

Napakarami ang nagdusa na pangkaraniwang mamamayan sa tindi ng trapiko at marami na nga ang napilitan maglakad sa kalsada.

Maari namang magdaos ng napakalaking event na ito sa bansa na walang mapeperwisyong publiko tulad ng idinaos ng APEC sa bansa noong 1996 dahil sa Subic ito ginanap.

Maraming imprastraktura ang inumpisahang ginawa pero hindi natapos kaya grabe ang epekto sa trapik.

Pagkatapos ng APEC summit ay dapat na imbestigahan at alamin kung papano ginastos ang P10 bilyong pondo na inilaan dito.

Papatapos na ang Aquino administration sa susunod na taon at marahil sa pagkakataong ito ay may makakasuhan at maipakulong.

Kung hindi man ngayon ay maaring ipagpatuloy ng susunod na administrasyon ang pagpapakulong sa mga opisyal na napatunayang nagmaniobra sa bilyong halaga ng pondo sa APEC summit na ito.

Show comments