MARAMI pang mga katulad ni Racell.
Overseas Filipino workers (OFW) na biktima ng mga medical clinic at placement agency.
Isa sa mga patuloy na iniimbestigahan ng BITAG kung mayroon nga bang sabwatan sa pagitan ng mga medical clinic at placement agency.
Ayon sa mandato ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), hindi pwedeng diktahan ng placement agency ang mga aplikanteng OFW kung saan dapat pumuntang klinika.
Basta kinikilala o accredited ng Department of Health (DOH), maaaring puntahan ng mga manggagawa.
Subalit, hindi ito ang nangyayari. Maraming mga ahensya at klinika minamanipula ang kautusan ng gobyerno.
Ganito ang nangyari kay Racell. Ganito rin ang reklamo at sumbong ng marami pang mga pobreng manggagawa.
Kapag hindi nagbayad ng placement fee lalo na ang mga Balik-Manggagawa, ibinabagsak ng mga medical clinic sa kanilang eksaminasyon.
Kahit na walang sakit, pilit ina-unfit to work ng mga hindi naman dalubhasang doktor o tinataniman ng sakit.
Noong Sabado, ipinalabas ng BITAG sa telebisyon ang ikalawang bahagi ng ‘Unfit to Work.’
Mission accomplished ang BITAG sa kaso ni Racell. In-unfit to work siya ng St. Peter – Paul Medical Clinic matapos itong i-obliga ng DOH.
Patuloy pang tumataas ang bilang ng mga reklamo at sumbong ng mga katulad ni Racell.
Gumagawa na ng agarang hakbang ang BITAGsa mga inhustisyang sinapit ng mga OFW sa mga klinikang pang-manggagawa at placement agency.
* * *
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.