Sir Juan (27)

HINDI pa rin makapaniwala si Nectar sa natuklasan kay Mahinhin. Hindi siya nagkamali na kaya sa gabi ito nagtatrabaho ay dahil panggabing aliwan ang pinapasukan.

Napangiti si Nectar. Sana, nadala niya ang kan­­yang cell phone para napiktyuran si Mahinhin habang papasok sa KTV Bar na ang pangalan ay KOLEHIYALA. Siguro kaya ganun ang pangalan ay dahil pawang kolehiyala ang nagpe-performed. Sana ay pumasok siya sa loob para makita ang ginagawa ni Mahinhin. Sabagay ano pa ba ang gagawin niya kundi ang magsayaw nang nakabuyangyang ang petsay! Wala namang ibang gagawin dun ang babaing katulad niya kundi ang magsayaw nang nakahubad sa stage. Ayon sa mga narinig niya ang mga parukyano raw sa KTV Bar ay mga Koreano at Japanese. Malalakas daw magbigay ng tip ang mga Japanese. Kaya siguro nakapagrenta ng solong kuwarto ang Mahinhin na iyon ay dahil malaki ang kita sa pagsasayaw. Kaya pala malakas ang loob ay dahil malakas kumita mula sa mga parukyano.

Pero ngayon ay unti-unti na rin siyang mahuhubaran ng pagkatao. Malalanghap na ang baho niya.

Kinabukasan ay hindi mapakali si Nectar. Gusto na niyang kausapin si Sir Juan ukol sa natuklasan.

Pero pinigil niya ang sarili. Huwag muna ngayon. Kaila-ngang makapag-ipon muna siya ng ebidensiya.

Pero nang makita niya sa salas si Sir Juan, hindi niya napigil na magtanong dito.

“Sir Juan, saan po ba nagtatrabaho si Mahinhin?’’

Nagtaka si Juan. Bakit biglang tinanong nito si Mahinhin.

“Sa pabrika raw.’’

“Talaga po.’’

“Oo. Sabi niya.’’

Napangiti si Nectar.

(Itutuloy)

 

Show comments