^

Punto Mo

Kahalagahan ng APEC summit

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MAITUTURING na napakagandang pagkakataon upang sumikat ang Pilipinas at maipa-kita sa buong mundo ang tunay na kalagayan ng mga Pilipino.

Ito ay sa dahil sa idadaos na Asia  Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Maynila na dadaluhan ng mga kilala at maimpluwensiyang lider sa pangunguna ni US president Barack Obama, Russian President Vladimir Putin at iba pa mula sa mayaymang bansa.

Pagkakataon ito ng ating gobyerno ipakita sa buong mundo kung ano ang mayroon ang bansa lalo na ang mga mamumuhunan na interesado na mag-lagak ng negosyo sa Pilipinas.

Dadagsa ang mga foreign media at libre ang publisidad sa buong mundo para sa Pilipinas.

Sana ay ipakita rin ng ating gobyerno sa lahat ng mga dayuhan at turista ang ganda ng Pilipinas.

Pero batay sa takbo ngayon ng preparasyon at tila walang mapapala ang Pilipinas dahil pagtatakip sa mga sinasabing hindi kagandahan sa Pilipinas.

Isa rito ay ang paglilinis ng mga pulubi at iba pang mga mahihirap na mamamayan na palaboy sa kalsada.

Nagbigay ang DSWD ng tig-P4,000 sa mga palaboy na pamilya para sa pansamantalang mangupahan ng bahay pero pagkatapos ng APEC summit at balik sa normal.

Bukod dito ay hindi pa maresolba ang kaso ng laglag bala sa NAIA na lubhang nagpapadismaya sa mga turista at nabunyag  na ito sa buong mundo.

Nakapanghihinayang dahil maraming mahahalaga sanang epekto ang APEC summit na gaganapin sa bansa subalit ang nakadidismaya ay baka walang mapala at hindi makinabang ang mga Pilipino sa naabing pagtitipon.

 

ANG

BARACK OBAMA

BUKOD

DADAGSA

ISA

ITO

MGA

PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

PILIPINAS

PILIPINO

RUSSIAN PRESIDENT VLADIMIR PUTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with