Lalaki, hindi umiinom ng tubig o kahit anong liquids mula pa 2012

WALONG basong tubig ang dapat inumin ng isang tao, ayon sa mga eksperto para mapanatiling maganda ang kalusugan at humaba ang buhay. Pero para kay Peter Filak, dating nurse at kasalukuyang webcam model, hindi ito totoo. Sabi ni Peter, tatlong taon na siyang hindi

umiinom ng tubig at kahit anong likido at eto’t buhay na buhay pa siya.

Ayon kay Peter, ang huling tikim niya ng tubig at softdrink ay noon pang May 5, 2012. Pinag-aralan niyang huwag uminom ng tubig at pawang prutas at gulay lamang ang kanyang kinakain. Alam niya na maraming nutrition ang prutas at gulay at source ang mga ito nang maraming tubig. At sabi pa ni Peter, dahil sa taglay na tubig ng prutas at gulay, tatlong beses daw siyang umiihi sa gabi. Kaya bakit pa raw siya iinom ng tubig. Hindi na kaila-ngang uminom ng tubig sapagkat sapat na ang pagkain ng prutas at gulay. Sabi pa ni Peter, mansanas lamang daw ay sapat na.

Babae, inilaan ang buhay sa pagkupkop sa mga inabandonang kuting

TINAWAG ni Hannah Shaw, 28, ang sarili na “neonatal kitten warrior’’. Ayon kay Hannah, 12-anyos pa lamang siya nang magsimulang mag-rescue at kumupkop ng mga kuting na itinapon sa kalye o inabandona ng may-ari. Sa nakalipas na walong taon nakapag-rescue siya ng daang kuting.

Mula raw nang magsimula siyang kumupkop ng mga kuting, itinigil na niya ang pagkain ng karne. Naging aktibo siya sa iba’t ibang kampanya para mapangalagaan ang iba’t ibang species --- mula sa mga farm animals at mga pusa.

Ang una raw niyang na-rescue na kuting ay si Coco. Nakita raw niya si Coco sa taas ng punong kahoy. Payat na payat ito at napakaliit. Kinuha niya sa puno si Coco at itinago sa loob ng kanyang t-shirt at saka iniuwi. Pinakain at ina-lagaan hanggang sa maging maayos ang pangangatawan.

Ang kanyang pagliligtas kay Coco ay napabalita sa kanilang lugar. At simula raw noon ay bigla na lamang dumami ang mga kuting sa bakuran ng kanilang bahay. Marami raw tumatawag sa kanya at nagsasabing meron din silang nailigtas na kuting at kailangan ang tulong niya. Hanggang sa dumami nang dumami raw mga kuting na inaalagaan niya. At ikinatutuwa niya iyon. Talaga raw nilaan na niya ang kanyang buhay sa pag-rescue sa mga kuting.

Show comments