‘Welcome to the family’

SENATOR FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR. OKAY DAW NA MAGPA-DNA.

Ito ang naging mariing pahayag ng batang kandidato sa pag-kabise Presidente ng Nationalista Party. Bakit siya magsasalita ng ganun? Ito ba’y tugon sa isang tanong na isinubo sa kanya ng isang reporter? O  ito’y kusang loob para malaman kung ang kumakalat na alingasngas na sila ni Senator Grace Poe ay magkapatid at anak ng dating diktador na si Ferdinand E. Marcos?

Ano man ang dahilan ng sinabi ni Bongbong ay naging laman ng mga pahayagan, radyo at telebisyon.

Matatandaan na sa isang panayam sa DZMM ay isiniwalat ni Sen. Grace na ang kinunan ng kanyang DNA sample ng maaring maging kamag-anak ay negatibo ang resulta.

Ang anak ni Edgardo Militar na nakakita kay Sen. Grace sa Jaro Cathedral ay lumabas at nagsabing siya at ang kanyang kapatid ay kumuha ng DNA at napag-alaman nilang hindi nila ito kamag anak.

Si Imelda Militar Hofile?a na nakabase sa Canada ay sinabi sa isang panayam sa telebisyon na si Zilda Militar-Demaala ay nagboluntaryo para sumailalim sa DNA testing.

“I am relieved in a way because it clears my father’s name. That he is not the father. But it also saddens me because Grace also needs to know who her real parents are,” sabi ni Imelda.

Sino ang tunay na ama ni Grace Poe? Ito pa rin ang patuloy na katanungan at sinasaliksik ng batang Senadora.

Sa parehong panayam sa DZMM sinabi ni Sen. Grace na ang kanyang asawang si Teodoro Misael Llamanzares ay handang talikuran ang kanyang pagiging ‘American Citizenship’ kapag siya’y nanalo. Ang tanong ko naman bakit hindi pa nila gawin kung gusto nilang maging tunay na Pilipino? Bakit kailangan niyang antayin ang eleksiyon?

Nagsisiguro ba si Mr. Llamanzares na kapag natalao si Sen. Grace ay babalik sila sa Amerika dahil American Citizen siya? Nagtatanong lang.

Si Sen Grace ay nahaharap sa kabi-kabilang kaso sa Senate Electoral Tribunal pati sa COMELEC para siya’y madiskwalipika sa pagtakbo sa pagka-Presidente.

Naalala ko si Pinoy na sinabi niyang gusto niyang tumakbo si Sen. Grace at ayaw niyang matalo ito dahil sa isang ‘technicality’.

Iginiit ng mga reporter kay Sen. Bongbong, paano kung kapatid mo si Sen. Grace nakangiting sinabi ng matikas na Senador ang mga katagang ‘welcome to the family’.

PARA SA ANUMANG REAKSIYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

Show comments